8

1698 Words

HINDI nakaramdam ni katiting na pagsisisi si Nicole taliwas sa inaasahan niya. Sa halip na makonsiyensiya o pagsisihan ang gabing sumama siya sa isang estranghero, natagpuan niya ang sarili na hinahanap-hanap ito. Madalas niyang iniisip si Keith Darlington. Kung may pagsisisi man siyang nararamdaman, iyon ay ang naging desisyon niyang huwag nang palawigin ang kanilang pagkakakilala. Minsan ay natukso siyang tawagan si Joshua o bumisita sa Cattleya Medical Center. Nahihiya lang siya sa kaibigan niya dahil hindi maikakaila kung saan sila humantong ni Keith pag-alis nila sa party nito. Napapabalita na nagiging wild na siya ngayon. Tama ang sapantaha niya na nakita ng press bilang pagganti kay Jerome ang ginawa niyang paghalik kay Keith. Wala siyang makitang rason upang magtungo sa Cattleya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD