AYON sa doktor sa ER ay wala naman itong nakikitang malalang pinsala kay Nicole. Nagtamo siya ng mga galos at sugat na nilikha ng mga ugat ng puno at mga sanga ng halaman at damo nang gumulong siya pababa. Wala siyang pilay ngunit nabugbog ang ilang bahagi ng katawan niya. Pinakamalala na marahil ang sugat sa pisngi niya na kailangan daw tahiin. “I understand that you’re an actress,” anang batang doktor na nagpakilala sa kanya bilang Dr. Simon Castañeda. “I can do the suturing. It’ll just take around two or three stitches. But if you’re worried about the scar and you prefer to have a cosmetic surgeon perform the procedure, I can page someone.” Pinagmasdan niya ito. Mukha naman itong competent ngunit pisngi na niya ang pinag-uusapan. Hindi siya maaaring magkaroon ng pangit na peklat sa mu

