HINDI malaman ni Keith kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. Wala pa siyang tulog at ilang oras na lang ay sisikat na ang araw. Dapat ay kanina pa siya nakauwi at nahihimbing. Kung bakit naman kasi ngayon naisipan ni Nicole na magpakita uli sa kanya. He sat on a swivel chair and brooded. Nang malaman niyang nasa ER ito at nag-request ng cosmetic surgeon ay natuwa siya. Excited na excited pa siyang makita itong muli. Nang mga nakaraang linggo ay naging abala siya ngunit madalas pa rin niya itong naiisip. Kumalap siya ng mga impormasyon tungkol dito pagkatapos nilang maghiwalay. Madali lang namang alamin ang maraming bagay tungkol dito dahil sa pagiging artista nito. Binasa niya ang biography nito. Teenager pa lang ito ay nasa show business na ito. Nakatuluyan nito ang ka-love team nito

