WHERE THE ANGER STARTED Madrigal's POV "Rigal! Balik Pilipinas ka na? Akala ko ba sasama ka pa sa party bukas. Come on, dude!" "Hindi na 'ko pwedeng mag-extend. My wife is waiting for me. Alam niyang bukas na ang uwi ko." Kakatapos lang ng business meeting namin sa New York. Balik hotel na kami. Abala akong nag-iimpake ng mga gamit habang kulit nang kulit naman sa 'kin Dexter. "Edi sabihin mo sa kanya na-canceled ang flight mo. Isip ka ng dahilan. Palusot ka, bro. Dali-dali lang gawin niyon eh." Ngumisi ako't umiling-iling. Hindi ko magawang magsinungaling kay Tanya. Hindi ko alam kung anong pinainom sa 'kin ng asawa ko para maging gan'to ako. Dati nama'y hindi ko hinahayaang ma-under ako ng mga babae. Iyong mga ex ko, madalas niloloko ko lang sila. Nasanay si Dexter sa 'kin bilang

