"Rigal, saan ka pupunta? Wala kang pasok diba?" Hindi ko pinansin ang kapeng nilapag niya sa lamesa. Kumuha lang ako ng tubig sa ref para iyon ang inumin. May mga panahon talagang kahit gustuhin kong sabayan siyang mag-almusal o magkape, parang hindi ko kaya. Putangina talaga kasi isang taon na ang lumipas nang mahuli ko siyang nakapatong sa tanginang kaaway ko; nakapatong, hubo't hubad. Isang taon na ang lumipas. Gustong-gusto ko ng kalimutan ang pagtataksil na iyon. Pero nakakagago, paulit-ulit lang akong hinahabol ng bangungot na iyon. "Rigal?" "Wala kang pake." Hinarap ko siya. Sana hindi ko na lang pala siya tinignan. Madalas kada titingin ako sa mga mata niya. Nagfa-flashback sa akin ang imahe nila ni Vandol na magkapatong. Ang sakit, gago. Kahit gustong-gusto ko ng kalimutan

