"Cheers!" Kanina pa kami nag-iinom ni Seval sa kwarto. Na sa sahig kami malapit sa kama. Iyon ang ginawa kong sandalan habang umiikot na ang paningin ko. Isang buwan na kaming nandito kaya naisipan naming mag-inom. Si Seval ang nakaisip, wala naman akong maisip na dahilan para i-celebrate ang isang buwan namin dito pero ang sabi niya dapat ko raw ipagdiwang ang tibay at lakas ko dahil nagawa kong takbuhan ang toxic na relasyon. Pakiramdam ko nga'y kaduwagan ang ginawa ko. Tinakbuhan ko si Rigal. Unti-unti ko kang nare-realized na kung ayaw ko na talaga, pwede naman akong makipag-annul pero sa halip ay tinakbuhan ko. Marahil kasi'y hindi pa talaga ayaw ng puso ko. Hindi pa ako handang makipag-annul sa kanya kaya tumakbo na lang ako kaysa harapin ang ganoong bagay. Sabay kaming tumungg

