Chapter 37

1551 Words

Napamulat ako nang masakit ang ulo, lalo pa ngang sumakit nang masilaw ako sa sikat ng araw. Dahan-dahan akong umupo. Minasahe ang sentido ko. Ano bang nangyari kagabi? Parang may pumana sa akin nang maalalang na sa Bali nga pala ako. Panandalian iyong nawala sa isip ko. Pagkagising ko kasi'y si Rigal ang na sa isip ko. Nag-inom nga pala kami ni Seval kagabi. Sa pagkakatanda ko'y na sa sala kami, hindi ko maalala kung paano ako napunta sa kwarto. Sinilip ko ang damit ko; kumpleto pa naman ang suot ko. Bumuga ako sa hangin. Nilibot ko ang paningin sa kwarto; wala si Seval. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang luminaw sa akin ang mga nangyari kagabi. Umiyak ako sa harapan niya; nabaliw ako sa harapan niya. Sinapo ng palad ko ang mukha ko, nakakahiya. Dumiretso ako sa banyo at saka nag-sho

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD