"I have tequila and whiskey, which do you prefer?" "Tequila." "Gotcha." Kinuha niya ang bote ng tequila saka niya iyon nilapag sa maliit na table sa harapan ng sofa. Kumuha siya ng mga junk foods sa grocery cabinet niya; nilabas niya na rin ang tirang pizza namin kanina. "Ba't naisipan mong uminom?" tanong niya habang nagsasalin siya sa dalawang baso. "Wala lang." Nagkibit balikat ako kahit napakaraming dahilan na tumatakbo sa isip ko. Unang-una, napakatagal ko ng hindi nag-iinom dahil ayaw na ayaw ng asawa ko na naglalasing ako. Samantalang 'pag siya naman ay ayos lang, bawal akong magalit. Pangalawa, sa kabataan ko pa lang, alak ang takbuhan ko sa tuwing marami akong iniisip o hindi ako makatulog ng gabi. Natigil lang talaga ang madalas kong paglalasing dahil sa asawa ko. Na-mi

