Chapter Twenty Nine

2601 Words

"Bakit ba kasi hindi mo pa hiwalayan ang babaeng 'yan, Liana?" Lumapit si Ronald sa cabinet ng coffee shop kung saan kami madalas tumambay ngayon. Kinailangan pa niyang tumingkayad ng bahagya para lang maabot ang first aid kit. "Sinabihan na kita noon na hindi maganda ang pakiramdam ko diyan sa babaeng iyan. Ayaw mo makinig. Anong nangyari sa iyo ngayon?" Pinapanood ko lang siya habang kinakalkal ang kit. Kinuha niya ang betadine at cotton na nandoon kasama ang isang kahon ng band aid. Ibinalik niya ang kit at mabilis ang lakad niya nang bumalik sa sa akin. "Ano na namang ginawa niya this time, Yana?" Lumabas si Jealyn mula sa kusina ng coffee shop. Ang mommy ni Jealyn ang may ari ng coffe shop na ito na katatayo lang noong nakaraang buwan. Madalas ay dito na kami tumatambay at kumakain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD