Nanghihina siyang napaupo sa kama. Tulala pa rin siya hanggang ngayon. ‘Si Migs ang tatay ni Hana?’ Hindi siya makapaniwala. Kaya pala sobrang lapit ng loob ni Hana kay Migs. ‘Anong gagawin ko?hindi pa ko tapos kay Sujin may kasunod na agad?’’ Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mata. ‘bakit ba puro na lang problema ang buhay ko?’ naiiyak niyang sambit sa sarili. Saglit pa ay narinig na niya ang pagtawag ni Migs. “Babe!” Mabilis pa sa alas kwatro niyang dinampot ang kwentas at ibinalik sa drawer. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at inayos ang kanyang sarili. Binuksan nito ang pinto “Let’s eat” Yaya nito sa kanya. Tumango lang siya simleng ngumiti. Nasa harap na sila ng pagkain pero kahit pag-angat ng kutsara ay hindi niya magawa. Kahit ang tumingin kay Mig

