-FLASHBACK- “Hindi ka aalis Alexandra” sigaw ng Mama niya. “Gusto mo ba akong mapahiya? Ano na lang sasabihin ng tita mo sa akin? Malaking pera na ang naibigay sa akin ng Koreanong yun” “Ma!” halos mawalan na siya ng boses kakasigaw. Patuloy pa din siyang umiiyak. “Kakamatay lang ng asawa ko hindi ba pwedeng magluksa naman muna ako?” Nanghihina na siya. Isang linggo pa lang ang nakalipas ng pumanaw ang asawa niya at heto na naman ang nanay niya kung kani-kanino na naman siya nirereto. “Bakit mabubusog ba tayo sa pagluluksa mo? Mababayaran ba natin mga utang natin?” Hindi na siya nakapag timpi dahil sa narinig niya. “Bakit kasalanan ko ba na nagka-utang tayo? Ako lang ba ang lumalamon dito sa bahay at kailangan ako ang mag-hirap? Sinabi ko ba sayo na kunin mo kami ni Jude at dito

