Chapter 3

1982 Words
It's Saturday and here I am in the balcony, quietly sipping a cup of coffee. Kakaalis lang ni Mama at may trabaho pa ito. Kapag Sabado naiiwan ako dito sa bahay. Gustuhin ko mang lumabas at magpunta sa parke ay 'di ko magawa sapagkat nahihiya ako. Paano kapag aasarin na naman ako? Kapag ibubully ako ng mga tao dun? Hindi ko naman kayang ipagtanggol ang sarili ko. Kaya as much as possible, nasa bahay lang talaga ako. I want to experience those things kung saan malaya akong makakalabas without overthinking kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa akin. Bata pa lang ako gusto ko ng maranasan 'yung pakiramdamam na masayang tumatakbo sa ilalim ng araw. Hindi alintana 'yung amoy. Gusto ko din maranasan 'yung magkaroon ng kaibigan. I mean I had my friends sa dati kong pinapasukan, but I know they also talked behind my back. Alam kong kinakahiya nila ako. Natigil ako sa aking pag-iisip ng tumunog ang aking phone. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang matingnan ko ay pangngalan ni Gio ang nakalagay. "Hello," tawag ko sa kabilang linya. "Asan ka?" tanong naman nito,nagtataka man ay sinagot ko pa din ito. "Nasa bahay. Bakit?" "Do you have any social media accounts?" tanong ulit niya na nagpapakunot ng noo ko. Bakit siya nagtatanong? Ia-add ba niya ako? Pero bakit naman? I've deactivated all my social media accounts matapos ang insidente na iyon. It may trigger my anxiety and trauma na pinipilit kong kinakalimutan. "Hey, nandiyan ka pa ba?" Gio asked on the other line nang mapansin nitong hindi ako nagsasalita. "Ahmm... bakit mo pala natanong?" nahihiya kong saad dito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko bubuksan ang socmed accounts ko. Mas gusto ko na ngayon 'yung ganito. Malayo sa kanila. Malayo sa mga taong pinagsasamantalahan ang kahinaan ko. "Your classmates Giselle asked me. Kailangan ka daw nilang iadd sa gc niyo at para you will be updated daw," paliwanag naman nito. Sa totoo lang nahihiya na talaga ako kay Gio kasi masiyado ko na siyang inaabala. I am not his responsibility pero ginagawa niya pa din ng mga bagay na ito. Kakilala lang namin pero para bang hindi mo ito mapapansin lalo na dahil mula sa pagpasok, sa tanghalian at uwian ay magkasama kami. "Ahh sorry ha...nagdeactivate kasi ako. Sandali at ioopen ko muna, naaabala pa kita," nahihiya kong sagot dito. Binaba naman nito agad ang tawag kaya nag-install din agad ako ng f*******: at messenger. Nang magdeac kasi ako ay dinelete ko na din 'yung app mismo. Nang mainstall na ay binuksan ko na ang account ko. Tinitingnan ko ang message ko at wala naman akong nakitang ibang mensahe dito. Binura ko na din kasi 'yung mga messages dati. Ilang segundo pa ay biglang tumunog ang notification ko. *Magnus Fernandez sent you a friend request.* Nagtataka ko itong tiningnan. Paano niya nalaman ang account ko? Tiyaka the last time we met, hindi maayos ang nangyari sa aming dalawa. We are not friends and we are also not in good terms. Hindi ko din makalimutan 'yung ginawa niya. He made me cry. Binabalik niya lang kung ano 'yung mga napagdaanan ko dati. Hindi ko ito inaccept at niremove ko ito. Habang hinahanap ko ang account ni Gio ay bigla ulit tumunog ang notification ko. Tiningnan ko ulit ito at mas nagtaka pa nung nakita ko ulit ang pangngalan nung Magnus. Tumunog din ang messenger ko hudyat na may nagchat. Nang tiningnan ko ito ay pangngalan ulit nung Magnus ang bumungad. Binuksan ko ito at binasa ang mensahe niya. "Accept my friend request so that I can add you sa gc natin," mensahe nito sa akin. Hindi ko ito nireplyan pero inaccept ko ang friend request niya. Ilang sandali pa ay may mensahe ulit akong natanggap. Nang tingnan ko ito ay gc pala namin. Inadd ako ni Magnus. Habang nagbabasa ako sa mga chats nila ay nagmessage ulit 'yung Magnus sa akin. "You can unfriend me na. Na-add na kita sa gc," sabi nito. "Ikaw na mag-unfriend. You were the one who added me," reply ko naman dito. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at mabagal na naglalakad papasok sa loob. Mataas na din kasi 'yung sikat ng araw at mainit na din kaya pumasok na din ako sa loob. Hinugasan ko muna 'yung baso at platong nagamit ko kanina bago pumasok sa kwarto at nahiga sa kama. Binuksan ko ulit 'yung phone ko. Inopen ko ang f*******: ko at isa-isang inunfriend lahat ng mga kakilala at kaklase ko dati. Ayokong malaman nila na kung saan ako nag-transfer. Ayaw ko ding malaman nila 'yung buhay ko ngayon. Alam kong gagamitin ulit nila 'yung past ko laban sa akin. Nang matapos ako sa paga-unfriend ay tiningnan ko 'yung messenger ko. Hindi na nagreply 'yung Magnus sa akin. Nang nagbabasa ako sa mga chats sa gc. Pinaguusapan nila ang paparating na Acquaintance Party. They're excited. Bakas sa chats nila 'yung saya. Nag-uusap din sila kung ano ang susuotin nila. Natapos ang buong weekend ko na nasa loob lang ako ng bahay. Hindi na ito bago sa akin at sa totoo lang mas nagugustuhan ko na ang set up ko na ganito. Hindi na din nagtext si Gio sa akin. Nang sumapit ang lunes ay sinundo ulit ako ni Gio sa amin. Pero this time ay hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang ito ng mariin sa harap. Hindi nito suot ang headphone niya. Nagtataka man ay nananahimik nalang ako. Nang makarating kami sa campus ay tuloy-tuloy itong lumabas kaya binuksan ko na din agad 'yung pinto ng kotse. Baka may gagawin pa 'yung tao at naaabala ko na kaya nagmamadali ito. Nang makababa na ako ay nagulat ako ng makita ko itong nakasandal sa harapan ng kotse nila. Lumapit ako sa kaniya na siya namang ikinalilingon niya sa gawi ko. Marami na ang estudyante at ganoon pa din ang ekpresiyon nila kapag nakikita ako lalo na kapag naglalakad. Nagpatinunang umalis si Gio kaya sumunod na din ito. Mabilis itong naglalakad at pilit kong hinahabol ang yapak niya. Pero dahil nga sa sitwasyon ko, hindi ko pa rin maabutan si Gio. Huminto ito saglit at tumingin sa akin. Nang makalapit na ako sa kaniya ay huminto muna ako at hinahabol ang aking paghinga. Ang tulin niya maglakad ngayon ah. Sumasakit na din ang mga binti ko kaya napatingin na din si Gio dito. "You okay?" tanong nito sa akin. Nakayuko naman akong tumango. Hawak ko din ang dibdib ko. "Let's go to Principal Office. Kailangan mong ireport 'yung insidente nung nakaraang linggo. Tell them that Magnus harassed you at binully ka din niya. Kailangan mong sabihin ang lahat para na din ma-expelled ang lalaking iyon," mahabang paliwanag nito. Taka kong tiningnan si Gio. "Hindi na kailangan. I was not hurt. Wala akong injury tiyaka simpleng hindi pagkakaintindihan lang iyon," sagot ko naman dito. I saw how his eyebrows arched as well as his forehead creased because of my response. Tiyak akong hindi niya ineexpect ang sagot ko. "Look Yezra, hindi mo kailangang matakot okay? Kailangan mong ipaalam ito para na din matapos ang pambubully ng lalaking iyon. Hindi lang ikaw ang biktima niya, madami pa." Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyanteng dumadaan. Nahihiya na ako kaya tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. I don't have any plans para isumbong si Magnus. Kahit naman na isumbong ko siya, para namang may magagawa iyon. Pagsasabihan lang ng guro 'yung lalaking iyon pero hindi pa din matuto si Magnus. Mga insidenteng ganito ay hindi na bago sa akin. Sa sobrang sanay ko sa mga pangyayaring ganito ay hinahayaan ko na lang. Kasi kapag ipapaalam ko pa sa kinauukulan, mas magagalit pa yung mga nambully sa akin. Madadagdagan lang ang inis nila sa akin. Kaya mas maiging manahimik nalang, napapagod din naman mga 'yan. Nang makapasok kami sa loob ng principal office ay nagulat ako ng makitang nandun na si Magnus. Prente lamang itong nakaupo habang nguya-nguya nito ang bubble gum. Hindi ito tumingin sa amin nang umupo kami sa harap nito. Bumati muna kami sa principal bago ito nagsimulang magtanong. "Totoo bang binully ka ni Mr. Fernandez, Ms. Carillo?" paunang tanong nito. "Hindi naman po," sagot ko dito. Lumingon si Gio sa akin na nagtataka. Hindi nito expected ang sagot ko. "Sigurado ka?" paninigurado pa nito. Tumango ako bilang sagot. "Alam mo Ms. Carillo, dapat mong sabihin 'yung totoo kung ano nga ba ang ginawa ni Mr. Fernandez sa'yo last week. You don't need to lie. Tell us if Mr. Fernandez also threatens you," pangungumbinse pa nito. "I never threatened her Ma'am!" pabagsak na pangangatwiran ni Magnus. Nagulat kami sa inasta niya kaya tumayo si Gio mula sa kaniyang pagkakaupo. "Respect the principal,Renz," Gio stated in authority. Matalim na tumingin si Magnus sa kaniya. "Ma'am it's true po. Hindi po ako binully ni Magnus. It's just a misunderstanding lang po. He didn't threatened me too. I promise Ma'am na I will report to your office if may mambubully man po." Ngumite pa ako para man lang ipakita na totoo 'yung sinabi ko kahit hindi. "Yezra,anong ginagawa mo? Tell them the truth. Hindi ba at tinulak ka ni Magnus? Bakit mo pa pinagtatakpan ang lalaking ito. After all what he had done to you?" Bakas sa boses ni Gio 'yung inis. Natatakot na din ako pero kailangan ko itong panghawakan. It will be my fault if Magnus will be expelled. Kakalipat ko lang dito pero magiging rason na ako para mapaalis ang isang estudyante dito. "Alam mo ba Ms. Carillo na if you will tell us the truth, Magnus will be expelled. We will not condone bullying in this campus." Mariing nakatitig ang principal sa akin ganon din si Gio. Si Magnus naman ay nakatitig lamang sa kisame. "Totoo po ang sinabi ko," sagot ko ulit dito. Nang matapos ang naging pag-uusap sa principal's office ay sabay-sabay kaming tatlo na naglalakad papuntang room. May nadadaanan kaming mga estudyanteng tumitingin sa amin. Nasa unahan si Gio na tahimik lamang na naglalakad. Hindi din ako nito kinibo matapos ang nangyari kanina. Baka galit siya. I mean, hindi ko din naman siya masisisi. Kahit ako, galit ako sa sarili ko. Iniisip ko pa kasi ang kapakanan ng ibang tao kahit na hindi na tama ang trato nila sa akin. Nasa likod ko naman si Magnus na pasipol-sipol na naglalakad. Madalas din ang pakikipag-apir nito sa mga nadadaanang kakilala. Nang makarating kami sa room ay akala ko hihinto si Gio pero patuloy lang itong naglalakad hanggang sa makapasok sa room nila. Hindi din ako nito tinitingnan. Umupo ako sa upuan ko at tumabi naman si Magnus. Hanggang sa uwian ay hindi ko nakita ang anino ni Gio. Hindi din siya sumabay sa akin kaninang tanghalian. Itong katabi ko naman ay tinutulugan lamang ang lahat ng subjects. Gumising lang ito nung recess at tanghalian. Nagsisialisan na ang iilan sa mga kaklase ko. Hinihintay ko lang si Gio para sabay na kaming umuwi. Nakakahiya din kasing umuna dun sa sasakyan nila eh nakikisakay lang naman ako. "Si Gio ba hinihintay mo Yezra? Kanina pa uwian ng STEM, baka nakauwi na siya," imporma sa akin ng isang kaklase ko. "Sigurado ka? Baka naman ibang section ng STEM 'yon," paninigurado ko pa dito. Mahirap kayang paniwalaan na hindi ako hinintay ni Gio. Si Gio 'yun eh. "Hindi, section nila iyon. Umuwi ka na at baka gabihin kapa sa daan. Punuan din ang jeepney ngayon kasi uwian." Tumingin ito sa akin bago nagpaalam at lumabas ng room. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang naging asta ni Gio. Mas maiintindihan ko pa na hindi siya sumabay sa akin kaninang tanghalian. Pero 'yung uuwi siya tapos hindi man lang nagsabi? Mahirap tanggapin iyon. Bumibigat ang dibdib ko kasabay sa pagbabago ng kulay ng langit. Pero bakit ba ako dumepende sa kaniya? Gaya ng laging sinasabi ko, hindi niya ako kargo at hindi niya ako responsibilidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD