Paulit-ulit kong pinagalitan ang sarili kinabukasan habang iniaayos ang mga boteng nagkalat sa gilid ng pool. Maski ang ebidensya na nagtuturong ako at si Autumn Grayson ay iisa ay niligpit ko rin—inilukot, pinunit at itinapon ko ang bawat piraso sa basurahan na naroon sa malapit. Psh. Talagang pina-imbestigahan nya ako, ano? "Hindi nya naman maaalala, Autumn. Kaya hindi mo kailangan kabahan." Pangungumbinsi ko sa sarili. Bakit ba kasi narito nanaman ako?! Sinabi kong tatapusin ko na ang lahat pero heto't narito nanaman ako sa pamamahay nya, parang tanga na inaalagaan at nag-aalala sa kanya. Bakit ba naman kasi ako pa ang tinawagan ni Manang, e! "Lasing sya. Lasing na lasing sya kagabi. Hindi nya maalala." Muling pagkausap ko sa aking sarili ngunit ang paulit-ulit napangungumbinsi ay

