"Our willingess to wait reveals the value we place on the object we are waiting for."
Habang naglalakad nga kami patungong Administrative Building para kumuha ng Assesment Form, nagpatuloy pa rin si Thalia sa pagku- kwento tungkol sa kanila ni Nat. Pwede ko bang sabihin na nabwi- bwisit ako? Or nag- seselos? Pwede bang sabihin iyon kahit na wala akong karapatan?
Halos na- kwento na niya lahat ng mga pinag- gagawa nila araw- araw. Mula pagkagising hanggang sa pagtulog, hindi raw sila mapaghiwalay.
May kalayuan pa kami sa mismong admin building nang napansin naming mahaba ang pila. Gosh! Sabagay, ganito talaga karami ang kukuha ng mga documents nila.
Baka mag- hintay kami ng isang oras dito! Tsk.
"Thalia, ang haba ng pila", I protested.
Sumagot naman si Thalia with her baritone voice, "No choice tayo. Kailangan mo ito para sa scholarship mo diba?" ani niya.
Ay oo nga no? Sana di na lang din ako nag- reklamo dahil tama naman siyag kailangan ko ito para sa scholarship ko. .
Pero totoo nga naman. Hindi ako tanga pero totoo ngang wala na kaming pagpipilian.
"Sure ka bang makikipila pa tayo? Usad pagong eh!", Thalia complained.
"Ano ka ba! No choice tayo." pang- iinis ko namang sabi.
Nakita kong padabog na naglakad si Thalia papunta sa likod ng linya.
Thalia is impatient. Ayaw kasi niyang naghihintay. Kahit sa pag- oorder ng pagkain, ako nalang palagi ang nakikipila kasi ayaw nga niya ng siksikan.
Minsan nga kung matagal dumating ang order, hinihila niya ako palabas at iniiwan namin ang order naming pagkain sa kung saan mang food stall kami mapadpad.
Kaya naman I'm sure, lokang- loka na naman tong kaibigan ko ngayon.
One done, nakita kong lumabas na ang isang babae at may hawak na itong assessment form.
Pero, wala paring pag- usad sa linya. Tumingin sa'kin si Thalia at mukhang may itatanong...
"Saan pala kayo nag-bakasyon, Kob?", tanong niya.
"Wala.", maikli kong sagot.
Hindi na ako dapat tinatanong sa mga ganyang bagay. As usual, taong bahay ako sa dalawang buwan naming bakasyon.
Kailan ba yung last out-of-town vacation namin? Ahh. Noong 2012 pa. Buo pa kami noon at masayang masaya kaming nag- bakasyon sa Baguio.
But, when papa died, mama, Drake, and I never had an outing together. We just stayed at home during our school break. Mama is already being practical for as what she always says, "Gasto lang 'yan".
Nagsalita muli si Thalia habang naglalakad kami sa covered walk...
"Kaya naman pala di ka umitim eh, nagkulong na naman kayo sa bahay niyo. But, wait, mas naging fresh ka ha!", panloloko na naman ni Thalia sa'kin.
Nag-tawanan at nag- kwentuhan kaming dalawa ni Thalia.
Malayo pa kami sa pintuan ng Admin Building, ay tanaw na namin ang tinataya kong 100 na estudyanteng nakapila. Ha'ay... Magtatagal ata kami rito.
Fast forward.
After one and a half hour ay sampung tao na lang kaming natitira. Salamat naman. Hindi ako makapaniwalang nakapaghintay kami ng ganun katagal.
Lumingon ako sa aking likod para masulyapan kung kumusta na ang kaibigan ko. At, wala siya.
Knockout na si Thalia at nakaupo na lang siya ngayon sa may upuan malapit sa bintana ng building.