Ang lahat ng mga matang naririto ay tila hindi na makapaghintay sa magiging sagot ko.
Inaamin kong masaya na ako sa kung ano meron ako ngayon.Pero ang balikan ang nakaraan ko bilang Bella noon?hell no! Ayoko nang maranasan pa ulit ang nangyari sa akin dati.Natatakot akong husgahan ulit.Alam kong hindi lahat mapang-husga,pero hindi pa ako handang ipakilala ang dati kong etsura.
"I'm sorry, kung hindi ako naging honest sa sarili ko. I'm afraid to face this challenge. Takot na akong masaktan ulit, Lord,please gave me a savior na pwedeng makaawat na hindi matuloy ang challenge na ito." taimtim kong bulong sa aking sarili.
Ayokong bigla nalang akong mawawalan ng titulo dahil lang sa pangyayaring ito. Natatakot ako na muling bumalik sa nakaraang puro nalang panghuhusga at sama ng loob ang matatanggap ko.
"Oh my god! What happened?"
napakislot ako sa aking kinauupuan ng may marinig akong isang malakas na kalabog mula sa likod nitong stage. Si Cindy, ay napatayo sa kinauupuan nito.
Sumensyas ito sa mga staffs na i-cut muna ang Live Show.Lahat ng mga monitor at camerang nakapaligid sa amin ay binaba rin ng mga staffs niya. Mga taong naririto ay nagpanic na rin. May mga guards na pumasok para harangan ang mga taong gustong makiusyoso sa nangyaring ingay mula sa backstage.
"Cara, you okay? Pasensiya na ha,may kaunting trouble lang na nangyari at pina- check ko na sa mga staffs.Live pa naman tayo, I'm sure na nawendang na yong mga manonood kung bakit bigla na lang tayo nag-panic."Cindy's holding my hand. dinala niya ako sa baba ng stage at pinaupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa unahan ng stage. Kung sa kanila'y labis na panic na ang naramdaman, sa akin ay isang malaking relief iyon, It means,pwedeng hindi matuloy ang challenge na hinahamon niya sa akin dahil sa insidenteng ito. Sana hindi na talaga matutuloy pa. Dahil sobrang hindi pa ako handa na mangyari ang kinakatakutan ko.
May isang lalakeng palapit sa amin ni Cindy. "Ma'am,nag nagbagsakan po ang mga props ng mga dancers natin sa likod at iba pang mga kagamitan. "sabi nang lalakeng lumapit sa amin.
"What? why? what happened?"magkasunod nitong tanong sa kausap na ngayon ay napakamot nalang ng ulo.
"Hindi ko po alam Ma'am, narito po ako kanina ng mangyari yon. "depensa nito sa sarili. Napabuga naman ng hangin si Cindy. Pinaalis nito ang lalake at sinabihang tumulong nalang sa likod na ayusin ang mga kagamitang nagbagsakan. Halos hindi na rin magka rinigan ang mga tao sa loob ng studio dahil sa sobrang ingay. Nagsisigawan na rin ang mga fans. Kulang nalang ay dumugin ako kung walang nakaharang at nakapaligid sa aking mga guards at staffs ni Cindy.
"Okay, Cara, Let's go to the dressing room. Doon ka muna.Para hindi ka pagpe-fiestahan ng mga fans mo."Mabilis ang ginawa kong pagtayo sa sinabi niya.Hawak niya ang braso ko hanggang sa makalabas kami ng studio at makarating sa dressing room nito.
"Just stay here, Cara. Huwag kang lumabas. Tingnan ko lang ang nangyari sa likod.And I'm so sorry, kung hindi ko natapos ang interview mo. May nextime pa naman right?"I smiled at her and nodded.
"Of course Cindy,sana walang nasaktan sa nangyari. I got so shocked."nagkunwari akong kinakabahan sa sinabi.
"My apology dear,I think it's a human error, hindi yata maganda ang paglagay ng mga props at mga kagamitan sa likod ng studio ko. Aayusin ko lang ang bagay na ito. "apologitic nitong sinabi.
Nang makalabas na ito ay isang malalim na buntong hininga ang pinakalawan ko.
"Thanks God," kung sino man ang taong gumawa ng eksena sa backstage. Sobrang pasalamat ko sa kanya. Niligtas niya ako. Sa tamang oras.
Bigla nalang ay naalala ko si Rina. Simula kaninang nag-umpisa ang show ay hindi ko na ito nakita. Mabuti nalang at hawak ko pa rin pala sa kamay ang phone ko.I called Her pero nauna na siyang tumawag. Sinagot ko naman ito kaagad.
"Hello, Rina, saan ka? "bungad ko sa kanya.
"Miss, saan po kayo?"tanong niya rin sa akin.
"Cindy's dressing room.Nabalitaan mo ba ang nangyari a while ago? "I asked Her. mukha kaseng nahihimigan ko ang kaba niya sa kabilang linya. Baka nasa malapit lang ito kanina ng maganap ang pagbagsak ng mga kagamitang sa backstage at hindi pa rin nawala ang kaba.
"Okay,puntahan po kita.Tapos umuwi na po tayo." Na we-weirduhan man sa kanyang sagot ay hindi ko na binigyan pansin pa.Kahit pa may naglalarong paksa sa aking isip.
Mismong sa tapat ng pinto ng dressing room ni Cindy,na ako tumayo para makita niya ako kaagad.Limang minuto lang ang hintay ko sa kanya at dumating din ito.
"Miss.. "She sighed in relief ng makita ako. Nagulat rin ako ng yakapin niya ako.
Kumalas ako sa kanyang yakap. Sinipat ko ito ng tingin.She's sweating, mukhang galing pa ito sa isang lugar na walang hangin. "What happened to you? Are you okay?"nag-aalala kong tanong dito. .
Nagpahid ito ng pawis gamit ng kanyang kamay. "Syempre Miss,ako pa, kayo nga po ang dapat kong tanungin n'yan, kung okay lang ba kayo?"naging mailap ang kanyang mga mata ng binalak kong titigan siya. I know and feel that She's hiding something.
"I'm okay, Rina.Medyo kinabahan lang ako sa huling interview ni Cindy, but thanks god, at hindi natuloy ang interview niya. You know, I'm not yet ready, I'm just to stupid dahil hindi ko man lang inisip na may challenged pala na ganun ang kanyang Show.Even Mama Gina, didn't bother to remind me about it. Siguro'y pati siya nakalimutan rin. I'm not aware. It's my fault. "I blamed myself for what happened. Sa sobrang eager kong tumanggap ng mga guesting at ano pang mga raket ay nakalimutan ko nang may isang bagay pala akong dapat alalahanin at protektahan. Yon ay ang nakaraan ko.
"Huwag nyo na pong sisihin ang sarili nyo. Ang mahalaga ay okay na po at hindi po natuloy ang challenge na iyon sa inyo ni Cindy.Halika na po at umuwi na tayo. Para makapagpahinga ka.Kase mamayang hapon may photoshoot po kayo sa Antipolo." tama si Rina,kailangan kong maghanda para mamaya sa photoshoot ko bilang isang Indorser ng isang bagong tayong farm and resort sa Antipolo.Isang mayamang businessman ang may ari no'n at ako ang napili nitong maging Indorser sa kanyang bubuksang farm and resort .
"Pero hindi pa ako personal na nakapagpaalam kay Cindy. "
"Alam na po niya. Nakasalubong ko siya ng puntahan ko kayo dito. Sinabi ko sa kanya na uuwi na tayo."nalaglag naman ang aking panga sa pahayag niya. I smell something fishy, may alam ba siya sa nangyari kanina?
Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kaniya ng hilahin niya ako palabas ng dressing room ni Cindy. Nasa kalagitnaan na kami ng hallway ng bigla siyang nagsalita. "Miss, yong mga gamit niyo po pala, naiwan po doon sa dressing room niyo.Kailangan nyo yon mamaya sa photoshoot nyo. Kunin ko lang. D'yan lang po kayo, mabilis lang ako."napatango nalang ako dito. Nagmamadali itong bumalik ng dressing room ko.Huminga ako ng malalim.Pumirmi ako sa aking kinatatayuan habang sinusundan ito ng tingin.
"I'm here, just give me sec.. ouch!" maagap kong naitukod sa sementadong pader sa aking likuran ang isa kong kamay nang biglang may babaeng bumangga sa akin.Napansin kong kalabas lang nito ng elevator dahil malapit lang ang elevator saan ako nakatayo. Nakita kong nahulog ang hawak nito sa kanyang kamay na mga papeles at iba pang kagamitan.
Marahas din itong nagbaba ng cellphone sa kanyang tainga.
She is busy with her phone kung kaya, kahit ako na tahimik na nakatayo dito sa gilid ay nabangga niya. Sa lawak ng hallway, at kaming dalawa lang ang narito pero kamalas-malasang nangyari ito. Sa kabila ng lahat ay nagmalasakit pa rin ako. Yumuko ako para kunin ang mga natapon niyang gamit.Inisip ko nalang na baka nagmamadali itong babae o baka naman may emergency sa kausap,kaya hindi na pinansin na may tao sa tabi. Well, pasalamat siya dahil kung hindi niya ako nabangga, malamang ang matigas na pader ang tumama sa kanya.
Nag-angat ako ng ulo at pumantay sa kanya. Naghanda na rin ako ng palakaibigang ngiti.Ngunit siya namang bilis magbago ng aking ekspresyon ng makilala ko ang babaeng aking kaharap ngayon.Mabilis niyang hinablot sa kamay ko ang gamit niya.
"Gosh!are you blind? Look what you've done to my things!" maarte niyang sinabi.Pinagpagan pa niya ang mga papel na hawak niya na para bang may mga mikrobyong nakakapit doon.
Napaismid ako sa ginawa niya.
"Get out of my way! paharang-harang ka, kaya ayan at puro na alikabok ang mga documents ko!" Tinaasan niya ako ng kilay. Pero naroon ang mga mata niyang sinusuri ang aking kabuuhan.Alam kong hindi totoo ang sinabi niya tungkol sa kanyang gamit .Sa linis nitong hallway at kintab ng marmol na sahig ay walang panama sa ugaling niyang maarte at feeling malinis.
"Really, and you're blaming me sa katangahan mo? As I know, ikaw ang bumangga sa akin. And you should be thankful,dahil kung wala ako, baka itong pader sa likod ko ang nabangga mo.Baka ngayon nag kabukol ka pa sa noo. Kung nangyari yon, paniguradong sira yang beauty mo. " may halong insulto kong wika dito. Naningkit ang kanyang mga mata sa akin. Nag enjoy naman akong saksihan ang kanyang ganong reaksyon. Ito ang timing na hinihintay ko, kalaban na mismo ang lumalapit sa akin.At dapat lang na hindi ko iyon sayangin.
"You witch! "She said with greeted teeth. I smirked and replied.
"And you're the b***h! " I am just started. Humanda ka na dahil maniningil na ako Charlotte.