Kabanata 10- sampal

2243 Words
Her eyes travelled in my body. Nababasa ko sa mata niya ang inggit.Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Cara Laureen Del Castillo,right? finally, we meet. " I am aware that She knows me. Hindi malabo yon dahil iisang Industriya lang ang pinasukan namin. "You know what? I am really wondering why are a lot of people liked you.They are so mga tanga.As I know,you're not that good in acting.Nadala ka lang sa kutis, poise at mukha mong gawa sa plastic!" harap-harapan niya akong iniinsulto. I can handle it anyway. Hindi pa rin siya nagbabago. Mayabang at masyadong gandang-ganda pa rin ito sa sarili. She is also an actress, sa isang kilalang network din sa showbiz. At wala na yata siyang magandang role sa buhay ko kundi pagiging kontrabida lang talaga. Maging sa harap ng camera ay yon din ang ginagampanan niya na mukhang sobra naman niyang na e-enjoy. Ganyan naman talaga siguro sa buhay,hindi na siguro nawawala ang mga kontrabida sa buhay nang mga bida. "The retokada witch! payuhan lang kita ha, siguro dapat mo nang simulang mag- novena.Dahil one of this days ay pababagsakin na kita. Ako ang papalit sa pwesto mo, ako ang magpapalaos sayo!" "Really? "I gave her a smirked.I am not treated.Isa lang ang kinakatakutan ko.Ang mabuhay ang aking nakaraan. "Yes, I'll be signing a contract today in ZGM Network at dito na ako magtatrabaho." "Goodluck then,I'm looking forward to work with you soon! " may kayabangan niya akong sinipat ng tingin. "I don't want to work with someone na alam kung magiging kompetensiya ko. I want to have my own name. My own tv series and movies.Ayokong makilala bilang supporting actress lang. I want to be called as best actress. "pinagdidiinan pa niya ang huling salitang sinabi. "Hanggang ngayon pa rin pala matayog pa rin ang lipad mo. Mabuti at never ka pang nababagsak sa kaisipang yan.But I have a friendly reminder.Be careful, baka isang araw bumulusok kang walang pakpak at walang dala, kundi tanging katawan mo lang matagal na yatang hindi nawisikan ng kahit kaunting bendita." balik insulto ko ron dito. She was about to slapped me pero mabilis kong nahuli ang palapulsuhan niya. Galit itong nakatitig sa mga mata ko. Tinapatan ko ang intensity, galit rin akong tumingin dito. "How dare you! " "Miss! "napabaling ako sa aking likuran ng marinig ko si Rina. Ngunit,nakalimutan kong nasa harapan ko pala ang kaaway.Tinulak niya ako at sa bilis ng pangyayari ay nawalan ako ng balanse at natumba sa marmol na sahig. "Miss! "mabilis akong dinaluhan ni Rina ng mailapag nito sa sahig ang mga dala niya. Tinulungan niya akong makatayo. Si Charlotte,naman ay ngiting tagumpay na nakamasid sa aming dalawa ni Rina. Galit itong bumaling kaya Charlotte."Miss,ako nang bahala." Hinarang ang sarili sa akin at siya ang humarap kay Charlotte. hindi ko inaasahan ang ginawa niya.Matapang niyang nilapitan si Charlotte,at walang patawad itong hinila sa buhok. "Oh my! Oh my god, my hair! "nagsisigaw na ito pero hindi nagpaawat si Rina. Patuloy lang ito sa paghila sa buhok niya. "Rina, stop it!" inawat ko siya ng makitang halos tumuwad na sa kanya si Charlotte sa hila niya rito.Muli ring nahulog mga mga bitbit nito. Kinuha ko ang kamay niya sa buhok ni Charlotte. "Miss, nakita ko kung paano kayo tinulak nang babaitang yan! Kaya hindi pwede na hindi ka makabawi." Hindi sa kinakampihan ko si Charlotte, ayoko lang na si Rina ang lumalaban para sa akin. In the first place hindi niya ito kilala. Laban ko ito at dapat lang na ako din ang haharap sa babaeng ito. "It's my thing Rina, 'wag kang makialam." diskompiyado niya akong tiningnan. "Pero, Miss.." "Problema ko ito. "hinarap ko si Charlotte.Pagiwang-giwang ito at hirap ibalik ang postura niya ng maayos.Magulo ang kanyang buhok. "Ahhhh, helppp! "nagulat kami ni Rina ng bigla itong sumigaw ng pagkalakas-lakas na halos um-echo sa buong hallway na yon. Pinagsusuntok din nito ang kanyang sarili habang patuloy pa rin sa pagsigaw. She is crazy. Gusto niyang makita ng tao na siya yong inaapi. Napailing nalang ako sa kanyang ginawa. Mas pinili kong wag na itong pansinin. Alam kong maraming camera ang nakapaligid dito sa loob at marahil nakita na rin ng mga nag momo-nitor ang nangyari. Kung dadagdagan ko pa ang eskenang to malamang na pag pe-fiestshan na ako bukas sa social media at dyaryo. Maging si Rina, na tumulong lang sa akin. Ayokong mapag-usapan pati siya. Mabuti nang ako lang at si Charlotte, dahil handa akong sagutin ang anumang esyo na ibabato sa akin kung lalabas ang balitang ito. "Let's go Rina,umuwi na tayo."kinuha ko ang mga gamit namin at hinila na ito tungo sa elevator. Mabilis kong pinindot ang button ng hindi pinapansin ang nagwawalang si Charlotte. Anumang sandali ay alam kong may mga tao nang lalapit kaya sana makababa muna kami ni Rina bago pa man sila dumating. "You crazy!" nagulat ako ng mabilis na sumugod si Charlotte kay Rina. hindi ko napigilan nang hilain niya ang buhok nito. pinaghahampas niya rin ito ng cellphone na hawak niya saan mang parte ng katawan nito. And the last thing I know, nasa sahig na si Rina,pumatong pa siya rito at galit na galit itong pinaghahampas. I was in the middle of shocked ng marinig kong tumunog ang elevator. Ngunit hindi ko magawang lumingon dahil natulala lang akong nakatingin sa dalawang nasa sahig. A traumatic past flashed in my head. Nakikita ko ang sarili ko sa kalagayan ni Rina. "Charlotte, stay away from Her! "a manly voice from behind said.Pero hindi ko yon tinuunan ng pansin. Nakatingin pa rin ako sa kanila. Walang ginagawa. Natikom ko ang aking magkabilang palad ng bigla akong matauhan ng marinig ko ang boses ni Rina. "Ahh...arayyy. "hinarang nito ang dalawang kamay sa mukha niya ng walang humpay sa kakahampas sa kanya si Charlotte. "Rina! "Nagdilim ang paningin ko sa ginawa niya kay Rina. Hindi masama ang umiwas sa gulo kung alam mong wala sa timing at lugar. Pero mas maling palalampasin ko lang ang ginawa niya ngayon kay Rina. Galit ko siyang nilapitan.Hinila ko siya sa buhok para makaalis ito sa ibabaw ni Rina."Oh!" Hindi pa man ito nakahuma sa ginawa ko ay binigyan ko na ito ng pinakamalakas kong sampal. "Don't you dare hurt Her again,dahil hindi ako manghinayang sa career ko maputol ko lang yang mahabang sungay mo! " banta ko sabay duro dito. Napaatras ito.Dinaluhan ko si Rina, na nakahawak sa ulo niya. "Miss."napansin kong hinahawakan nito ang ulo niya. "Oh my god! Rina,dumudugo ang ulo mo!" "Miss, okay lang ako." nagawa pa niya akong ngitian habang ang mga mata'y nasa aking likuran. "Dale,you're here honey! "It's Charlotte voice. lumapit siya sa tinawag niya bago lang. Dale? Anong ginagawa niya dito? "Miss, si doc Martin," pinatutuhang saad naman ni Rina. Lumingon ako sa likuran at doon nga ay nakita kong nakatayo si Dale malapit sa amin. Kita rin ng mga mata ko kung paano lumapat ang labi ni Charlotte sa labi nito. Umiwas ako ng tingin. At bakit pa ba ako magtatanong kung bakit siya nandito.Sila ni Charlotte, kaya malamang na narito rin siya. "Miss, okay ka lang? "nakurap ako ng magsalita si Rina. hawak ko parin ang ulo niyang may dugo. "I'm okay, 'wag kang masyadong gumalaw, dadalhin kita sa ospital." taranta ako.Walang panghinayang kong pinunit ang laylayan ng gown na suot ko at pinagtapal yon sa sugat niya. Dumarami ang dugo. "Dale, honey, what's wrong? " "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Charlotte?"May mga yabag ng sapatos na palapit sa amin ni Rina. Nag bend ito sa harapan ko saan nakahiga sa hita ko si Rina. "Ano na naman itong ginawa mo Charlotte?" aniya kay Charlotte. "She deserves that, buti nga at yan lang ang inabot niya. Pakialamera."hindi ko na pinansin ang usapan nilang dalawa. sinikap kong inangat si Rina para makatayo. Dadalhin ko siya sa ospital. "Rina relax.. 'wag kang pumikit.. "nag-aalala ako sa kanya.Maliban sa dugo sa ulo niya ay meron pa itong mga kalmot at sugat sa braso at mukha. Hindi ko kaagad siya dinaluhan,bigla akong natuod sa aking kinatatayuan. The past keep on flashing back kapag may nakikita akong taong inaapi. How can I be free kung palagi naman itong bumabalik na parang bangungot sa aking alaala. I am not totally heel and okay. Ang totoo'y nahihirapan akong makawala sa hawla ng nakaraan ko. "Miss.. "nanghihinang wika niya. Sa dulo nitong hallway ay natanaw ko ang tatlong naka unipormeng gwardiya. Sa kabila naman ay limang kalalakihan ding papalapit sa amin. "You better go out of here, baka magkagulo.I'll go with you."He insist ng mapansing malapit na sa amin ang mga ito. "No, hindi ko kailangan tulong mo!"matigas ang boses kong saad dito. "Rina, just stay awake okay," God, I can't forgive myself kapag may mangyaring masama sa kanya. "Ma'am, anong nangyari dito? "usisa ng isa sa mga gwardiya ng makalapit. Hindi sinasadyang nagka tinginan kami ni Dale. Wala akong makuhang isagot. Tumikhim ito ng hindi inaalis ang titig sa akin. "We can't answer that for now. She needs medication. Her head is bleeding. Kaya kung pwede ay hayaan niyo kaming makaalis dito para madala siya sa ospital."nakatingin lang ako sa kanya habang siya ang nakikipag usap sa gwardiya. "Sir, meron kaming first aid dito at may clinic rin. Pwede niyo po siyang dalhin doon para macheck. "mukhang gusto pa yata ng mga gwardiyang nagsilapit na interviewhin kami. May dinukot ito sa kanyang bulsa. Pinakita niya iyon sa gwardiya. "I am Dexter Dale Martin.Physician.If you don't mind .Malaki ang sugat niya sa ulo at marami ang dugong lumalabas sa kanya.Kailangan niyang madala sa ospital sa lalong madaling panahon." Namalayan ko na lang na buhat-buhat na ni Dale, si Rina. In-escort din kami ng mga gwardiya at isang lang grupo kanina para makapasok ng elevator. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakapasok ng elevator ay nahagip pa ng mata ko si Charlotte. "Kapag may mangyaring masama sa kanya,ihanda mo na ang sarili mo dahil hindi lang utang mo ang sisingilin ko. Pati interest nang maraming taong pasakit na ginawa mo."I don't care kung maintindihan man niya o hindi ang sinabi ko. Gusto ko lang ilabas ang mga sama ng loob ko sa kanya. Kunot-noo lang itong nakatingin sa akin Pumasok na ako sa elevator. "Hey, hon !Come back here! Ako ang dapat mong tulungan at hindi ang mga walang hiyang yan! Dexter come back!" Mabilis kaming nakarating sa kotse niya.Nasa bulsa niya ang susi at buhat niya si Rina.Nakisuyo siyang kunin yon sa kanyang bulsa. Hindi ko na inisip ang ang pagkailang, si Rina ang mahalaga.Binuksan ko na rin ang pinto ng kotse sa likod para mapasok niya si Rina. "Rina, how are you feeling? nahihilo ka ba? Don't close your eyes Rina. Pupunta na tayo sa ospital."nakaalalay ako rito. hawak ko ang dumudugo niyang ulo. Nanghihina siya. Nahuhulog na rin ang talukap ng mata niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari kay Rina. "P-please..hurry up!" pinangilidan na ako ng luha.Sumilip siya sa rear view mirror. "Don't worry,malapit na tayo."bumibilis na rin ang takbo nito. "Miss, inaantok po ako.. "nanghihinang sambit ni Rina habang nakasandig sa balikat ko. "No, please, Rina,'don't sleep, kunting tiis nalang.. " Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya. "Miss, hindi pa naman ako mamamatay.Inaantok lang po talaga ako. 'wag nga po kayong O.A d'yan, ang pangit niyo po pag umiiyak. "nagawa pa nitong magbiro kahit hindi maganda ang lagay niya. "Tumigil ka na nga sa kakasalita d'yan! ang dami mo talagang alam, kinakabahan na nga ako't lahat,nagbibiro ka pa." napapansin ko na parami nang parami ang dugong dumadaloy sa ulo niya. God, save Her please. Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang pamilyar na ospital na pinagdalhan sa amin ni Dale, ito ang ospital kung saan ako dinala ni Rina at kuya Arman,He worked here kaya hindi na ako magtataka.May mga nurses na sumalubong sa amin pagkababa namin ng kotse. Taranta silang kumilos ng makita nilang si Dale,ang may dala ng pasyente. "What happened doc?"tanong ng isang babaeng nurse. "Nabagok ang ulo niya sa sementadong sahig. Deretso niyo siya sa VIP room. Ready niyo lahat ng mga kailangan ko. Ako na ang bahala."mabilis ang tugon ng dalawang nurses. Nakaalalay ako sa kanila habang tulak nila ang nakahigang si Rina.Si Dale, naman ay nasa tabi ko rin. "Pasensiya na kung dito ko kayo dinala. I know this is a public hospital, pero magagaling at maalaga ang mga nurses at doctors dito." "It's okay ang importante magamot siya,"hindi ito ang tamang oras para sa personal na agenda ko. Si Rina,sa akin ang mahalaga. "Rina,I'm always here. You'll be okay. "I whispered to Rina, nang handa na siyang ipasok sa VIP room na sinasabi ni Dale kanina. "Sure Miss. "nagawa po niyang sumagot kahit tuluyan na itong nakapikit. "Dito ka na muna, ako na ang bahala sa kanya..don't worry, she'll be okay." Nanghihina akong napaupo sa may kahabaang bench sa labas ng pinagsidlan kay Rina. I hope She'll be okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD