Kabanata 11-hospital

1736 Words
"What happened Barbie, is Rina, okay?"maluha-luha kong sinalubong si Tami,ng dumating ito sa hospital.Tinawagan ko kase ito kanina ng naipasok na sa VIP room si Rina,mahigit isa at kalahating oras na rin ito sa loob. "Ginagamot pa po siya sa loob."inalalayan niya akong umupo. "Ano bang nangyari sa ZGM at sa interview mo kay Cindy?"She asked curiuosly.Pinahid ko aking mga luha. I started telling Her everything that happened in the ZGM. mula sa biglang naputol na interview ni Cindy, hanggang sa nasalubong ko si Charlotte sa hallway. Nauunawaan niya ang aking pasasalamat sa hindi natuloy na challenge ni Cindy. She even told me na balita na sa ngayon ang nangyari sa studio at pinaiimbistigahan na rin nang kompanya ng nangyari sa kanilang stockroom na nasa likod lang ng studio ni Cindy.Tinitingnan na raw kung sinadya ba ang nangayari o nagkataong bumigay na ang kanilang mga nakatagong mga kamagitan doon. Si Mama Gina, ay tumawag na rin sa akin para ipaalam na isa ako sa trending sa showbiz news ngayong araw. I tried to check my phone kanina at maraming reporters ang gustong um-interview sa akin tungkol sa nangyari kanina. Ngunit kahit isa ay wala akong pinaunlakan. I put my phone off para walang makakontak sa akin as my manager told and advice me.Si Mama Gina, na rin ang pinakausap ko sa mga nakabinbin kong schedule sa araw na ito. Hindi ko kayang magtrabaho sa kalagayan ni Rina. Hahabol nalang siguro ako sa shoot ko sa Antipolo,kung masiguro kong maayos na ang lagay niya. "Diyos ko, sino ba ang babaeng yon at ang lakas ng loob niyang gawin yon sa inyo ni Rina."aniya matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari sa ZGM. Bumuntong hininga ako. "Ang babaeng may malaking atraso sa akin noon. Isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya akong baguhin ang aking anyo.Si Charlotte,Tami."may bahid ng galit sa boses ko ditong sinabi. Napatakip ito sa kanyang bibig. "Cara.."aniya sabay abot ng aking mga kamay. "Hindi pa rin siya nagbabago, mahilig pa rin siyang manakit. Hindi lang sa emosyonal kundi pati sa pisikal. When I saw Her, wala akong ibang inisip kundi ang paghigantihan siya sa pam-bubully at pananakit nila ng mga kaibigan niya noon.Pero wala kami sa tamang oras at lugar para singilin siya sa mga atraso niya. I'm an actress, ayokong masira ang career ko at ang kompanyang tumulong sa aking makilala at magkaroon ng sariling pangalan sa showbiz. Umiwas ako sa maaring gulo, pero nang makita kong sinaktan niya si Rina,nagdilim ang paningin ko Tami,wala akong pakialam kung pag pyestahan man ako ng mga press sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Kulang pa yon sa ginawa niya kay Rina. Kung may mangyaring masama kay Rina, hindi ko alam kung ano pa ang kaya kung gawin sa kanya." nahahapong kwento ko dito. "I understand you, kung ako man siguro sa kalagayan mo. Gagawin ko ang ginawa mo. I won't let anyone harm my family o kahit sino mang malapit sa puso ko . Tama ang ginawa mong pagtatanggol kay Rina, kagaya ng ginawa niya sayo ng makita niyang tinulak ka ni Charlotte, As of now, wala tayong ibang gagawin kundi ang ipanalangin ang mabilis na paggaling niya. She will be okay, Cara."sumandal ako sa balikat niya. Muli akong pinangilidan ng luha. Sinubsob niya ang ulo ko sa kanyang leeg. She whispered me to cry. At sinabi ring makikinig siya. "Bakit po ganun Tami,kahit anong gawin kong kalimutan ang mga nakaraan. Muli't muli itong bumabalik sa aking alaala. Ang mga taong gusto kong ibaon sa limot para magpatuloy at muling mamuhay ng normal, ay para namang mga multong muling nagpapakita.Ang hirap po, gusto ko lang naman pong maging normal ang buhay ko. Gusto ko lang naman pong maging masaya at gawin ang mga bagay na gusto kong gawin na hindi ko nagawa dati, pero bakit kung saan, unti-unti ko nang nakakalimutan ang mapait kong nakaraan saka naman sila bumalik para guluhin ang tahimik ko nang buhay. Mahal ko kong anong meron ako ngayon, pero nalulungkot po at natatakot na baka mabuhay muli ang nakaraang gusto ko nang ibaon sa limot. Ang traumang natamo ko noon kay Bella,bumabalik at nangyari yon kanina ng makita kong sinasaktan si Rina. "umiiyak kong kwento. Hinagod niya ang aking likod. "Oh,my barbie, kung kaya ko lang punan ang nararamdaman mo ngayon pero wala akong magawa kundi ang yakapin ka.Ang nakaraan ay hindi natin kailanman matatakasan.Oo, maraming magbabago. Pero marami ring mga tanong na walang sagot kung hindi natin ito haharapin ng may tapang."aniya. Humiwalay ako sa kanya. Pinahid niya ang mga luha sa aking mga mata at hinaplos ako sa magkabilang pisngi. "This beautiful face gave you happiness and let you do whatever you want.I made this beautiful face for you to be happy and be free for everything. Pinili ko ang mukhang ito dahil alam kong ito ang mukhang magbabago sa buhay mo. I succeed. Pero,natatakot din ako na baka itong mukha din na ito ang sisira ng buhay mo. Na ang mukhang ito ay maari mong gamitin para makapaghiganti sa mga nanakit sayo noon. Cara, kung ano man ang nangyari sayo noon,kalimutan mo na. We'll start a new, ikaw na ngayon si Cara Laureen, 'wag mo nang isipin pang maghiganti sa mga nanakit sayo. Ituring mo silang inspirasyon kung bakit ka parin nandito sa mundong ito. Don't let this beautiful, innocent and angelic face cry a river and suffer dahil lang sa puot na inalagaan mo d'yan sa puso mo.Please Cara, I am asking you, to forgive them mag focus ka sa mga magandang nangyari sayo Iha.Revenged? Mahirap ang gagawin mo, I've known you as a softhearted person a loving daughter and sister. Don't fooled yourself Iha. Believe me, masakit ang masaktan kung alam mong ang puso mo ay puro kabutihan ang laman."patuloy lamang na nagsilaglagan ang mga luha ko sa sinabi niya. Paano niya nasabi ang lahat ng ito? Narinig niya at nalaman ang mga nangyari sa akin pero hindi niya alam ang mga pinagdaanan ko noon. Forgive? Paano ako magpatawad kung lahat ng sakit na gusto kong ibaon sa hukay ay bumabalik isa-isa nang makita ko ang mga taong dumurog sa puso ko? "Naririnig niyo po ba ang mga sinasabi niyo? Hindi niyo po alam kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan ko Tami, wala po kayo noong mga panahon na sukung-suko na ako sa buhay at gusto ko nalang ay mamatay. Paano niyo po nasasabing magpatawad ako sa kanila kung hindi niyo naman nararamdaman ang nararamdaman ko. Oo, kayo ang nagbago ng etsura ko, malaking papel niyo sa buhay ko pero wala po kayong ideya sa nararamdaman kong sakit dito. "punò ng hinanakit kung pinukpok ng aking kamao ang aking puso. Umiyak na rin si Tami. Alam kong maling sinabi ko yon sa kanya pero ang sakit sa dibdib na hindi ko mailabas ang sana loob ko. If forgiveness is just a simple thing, sana ginawa ko nang magpatawad noon pa. Pero mahirap magpatawag kung hindi mo parin mahanap ang gamot na magpapahilom sa mga sugat na nakabaon na sa puso mo. "Cara, hindi naman sa... " "Hindi po ganun kadaling magpatawad."matigas kong dugtong sa nais niyang sabihin. "Hindi madali pero kaya nating gawin. If we forgive ourselves at ang tanging isipin natin ay ang mga magagandang nangyari. We can learn to forgive. "sambit nitong napatingin sa kawalan. "Paano niyo po nasasabi yan, bakit ,pinagdaanan niyo na rin po ba ang pinagdaanan ko?"I said wiping my tears. She let sighed. "Yes, I been there,"napalunok ako sa kanyang sinabi. Bumaling siya sa akin. I see pain,sadness and sorrows in her eyes. "W-what do you mean Tami? "I asked curiously.Malungkot siyang ngumiti. Muli niyang hinaplos ang magkabila kong pisngi. She was about to open her mouth ng marinig kong bumukas ang pinto kung saan pinasok si Rina. Sabay kaming napalingon. Si Dale,ang lumabas,nagtanggal ito ng face mask. Mabilis na pinalis ni Tami,ang kanyang mga luha. Tumayo ito para salubungin ang una. "Nice to see you here again doc Martin,how's Rina? "inayos ko muna ang aking sarili bago nagpasyang sumunod kay Tami.Dale's eyes is on me. Sinubukan niyang hulihin ang mga mata ko pero mabilis akong nag-iwas ng tingin dito. I don't want Him to saw that I came from crying.Ayokong makita niyang mahina ako. "Doc,is She okay now? "Tami, asked again. He cleared His thoat. "Sorry,nice to see you too again,Ma'am, and yes. She's safe and okay,natahi ko na rin ang sugat niya sa ulo. Sa ngayon po ay nagpapahinga pa siya. Sinalinan na rin siya ng dugo dahil marami ang nawalang dugo sa kanya. Wala na po kayong dapat ipag-alala Ma'am, anytime tomorrow you can bring Her home. " para akong nabunutan ng tinik sa nalamang maayos na ang lagay ni Rina. thanks god! "Thank you doc, pwede na ba namin siyang makita? "si Tami ulit.Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila. Ayokong tingnan si Dale,dahil iniiwasan kong magtagpo ang aming mga mata.At kahit pa dapat ko itong pasalamatan sa ginawa niyang pagtulong sa akin na madala si Rina, dito hindi ko gagawin. Dahil hindi parin maalis ang katotohanang si Charlotte, ang may kagagawan kung bakit narito kami ni Rina, sa hospital ngayon. "Sure Ma'am, you can check Her out."He said. "Thank you again doc, Cara.. halika na, puntahan na natin si Rina."wala akong nagawa ng hulihin ni Tami, ang isang kamay ko. Nagpatangay ako sa kanya hanggang sa may pinto ngunit hindi sinasadyang nagkadikit ang mga braso namin ni Dale.Pinigil ko ang mapasinghap ng muli kong naramdaman ang damdaming naramdaman ko noong araw na hinawakan niya ang kamay ko sa presinto. "Rina, is okay now, mabuti at nadala natin kaagad siya dito." aniya ngunit hindi ako sumagot. Bago pa man kami nakapasok ni Tami, sa loob. Narinig ko pa ang huling salitang binitiwan niya na halos dalhin na nang hangin sa sobrang hina. Concerned. Worried. I don't know. "Stop crying now,"napailing na lamang ako at hindi na pinansin pa yon. Dahil una, hindi naman niya tukoy kung para saan ang mga magkahalong bakas na pinakawalan ko sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD