Kabanata 13-shelter

2269 Words
"Masaya at magaan sa loob ka palang kausap." nakapamulsang ani Justine,nang sabay kaming lumabas ng simbahan. "Nasabi mo lang 'yan kase malungkot ka. Pero thank you. Kung napagaan ko man ang loob mo. "sagot ko na tinatanaw si kuya Arman, na nakaparada lang sa di kalayuan. "I'm serious,masaya akong nakilala ka." aniya. Tipid akong ngumiti at patay malisyang tumingin sa aking wrist watch. "It's getting late, nan d'yan na driver ko." saad ko. Tumikhim ito. "Okay.take care, Laura. " I supposed to answer Him, pero hindi iyon natuloy ng bigla nalang may pumaradang kotse sa aming harapan. Mabuti nalang at hindi nito nahagip ang harapan ng sasakyang gamit ni kuya Arman,na naka pwesto na't naghihintay sa akin. Bumaba sa driver seat ang isang lalake at nagulat ako ng mapagsino ito. "Dale, bro," nabaling ang atensyon ko kay Justine,na katulad ko ay nagulat rin ng makita si Dale. "Bro, "si Dale, ang lumapit sa kaibigan. "How did you know that I'm here?" tanong ni Justine. Oo at bakit siya nandito?Hindi ba dapat nasa ospital siya at nag-aalaga ng pasyente niya. "Pumunta ako sa inyo pero wala ka. I asked tita,at sinabi niyang sa Antipolo ka raw pumunta. Wala ka namang ibang pinupuntahan dito madalas kundi simbahan. And I was surprise, magkasama pala kayo dito ni Miss.. Del Castillo." He said.Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Justine. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinitingnan ng ganito. Ang lakas ng loob niyang titigan ako dahil alam niyang hindi ko siya matingnan ng deretso. "Oo, nagkataong nasa loob siya kanina. Nagkausap kami. And guess what, we're friends now. Diba Laura? " napilitan akong sagutin ng ngiti ang sinabing iyon ni Justine. Lumapit ito sa akin at walang paalam akong inakbayan. Anong ginagawa ng lalakeng ito? Porket tinanggap ko ang pakikipag- kaibigan ay malaya na siyang hawakan ako. At si Dale, hindi ko alam kung bakit ang talim ng tingin niya sa kamay ni Justine, na nasa balikat ko. "Pre, alam kong kilala mo na siya. Pero gusto ko pa rin na pormal kayong ipakilala sa isa't isa, gaya ng ginawa namin kanina sa loob. So,Cara, I'd like to introduce to you my friend Dexter Dale Martin, bro— " "No need to introduced Her to me, I know Her already. She was once my patient in the hospital.At kahapon magkasama naming dinala sa ospital ang kaibigan niya." seryosong sagot nito. Pasimple kong hinawi ang kamay ni Justine, sa aking balikat at lumayo dito ng kaunti. "Okay, so mas magandang magkakilala na pala tayong tatlo." In Justine's voice, parang gumagaan na ang kaninang bigat na dinadala nito. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. "I think I need to go. Marami pa akong trabaho bukas." This place feels soffucating. "Okay,mag-ingat ka. "si Justine ,na kinawayan pa ako. tango lang ang sagot ko bago tumalikod sa mga ito. "Kuya, tara na po. "bungad ko kay kuya ng masakay na ng kotse. Napapikit ako at napabuntong hininga. "Okay lang po kayo Ma'am,? "usisa ni kuya na nakasilip sa rear view mirror sa harapan. "Okay lang po,napagod lang po ako ngayong araw. " sagot ko. Nagsimula na rin itong magmaneho. Hindi ko na sinubukan pang sulyapan mula sa loob ng sasakyan si Dale at Justine. "Magpahinga po muna kayo o maidlip. Gigisingin ko nalang po kayo kapag nakarating na tayo sa bahay." sabi ni kuya na sa boses ang pag-aalala. Pinikit ko ang pagod kong mga mata. Pero kahit sa pagpikit ko iisang mukha lang ang tangi kong nakikita. Hanggang kailan ako makakalimot at makakalaya sa multong ginawa niya kung sa bawat galaw ko ay naroon siya. Unti-unti na muling sumisikip ang mundo namin. Kaibigan niya si Justine, na ngayon ay kaibigan ko na rin. "Bakit pa kita nakilala Dale, bakit pa? "I silently whispered covering my tears. ***** "Cara,anong masasabi mo sa mga balitang kumakalat na nakipag-away ka raw sa isang actress na bagong lipat ng ZGM. At ang actress na ito ay kamag-anak pa ng head ng kompanyang pinag-tatrabahuan mo. " taas noo akong tumingin sa lahat ng mga reporters na naka abang sa akin paglabas ko ng ZGM compound. I expect them today. "Totoo ba na ikaw ang unang nakipag-away sa bagong lipat na aktress na si Charlotte Dominguez?" tanong pa ng isang nakipagtulakang reporter na gustong um-interview sa akin. "That's not all true. Ayokong patulan ang mga chismis na wala namang katotohanan. Nakita niyo naman at narinig ang buong interview sa mismong bibig ng manager ko na denepensahan ko lang ang aking sarili sa aktress na si Charlotte Dominguez. At walang masama na depensahan ang sarili at mahal sa buhay. As you can see the cctv footage na viral sa social media. Kita niyo naman sigurong malinaw na si Charlotte Dominguez ang unang nag-umpisa ng gulo. I just depend myself." I prankly anwered to them. "Hindi natuloy ang challenge na hamon sayo ni Cindy, noong nakaraang linggo. Sa tingin mo ba may leak sa likod ng biglang pagputol sa ere ng live show na iyon?At kung muli kang imbitahan ni Cindy, mayroon ba kaming dapat abangan na mga rebelasyon tungkol sayo? "sabi pa ng isa sa mga reporters na nakapaligid sa akin. "No comment as of now, abangan niyo nalang po ang mangyagari. Thank you" sagot ko at sinikap na makawala sa grupo nila. Inalalayan ako ng isang guardiya para makaalis doon. Hinatid din ako nito hanggang sa kotseng naghihintay sa akin kanina pa. "Thank you, kuya. "I said bago ko pa man naisara ang pinto ng kotse. Suma-lute ito sa akin na nakangiti at muli bumalik sa kanyang pwesto. Ang mga reporters naman ay walang nagawa kundi ang sundan nalang ng tingin ang kotseng sinakyan ko. "Hay salamat naman at nakatakas ka na sa mga reporters Miss. "nakahingang maluwag na bungad sa akin ni Rina, na naunang sumakay ng kotse kanina. Sinadya ko rin na paunahin siya para hindi siya pagdeskitahan ng mga reporters. "Hindi talaga sila titigil hangga't walang chismis na ipapakalat sa internet. Gusto ko nang maging simpleng tao Rina. Napapagod na akong palagi nalang hinahabol ng mga media kapag may nakita o narinig silang kaunting isyu," malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko. Rina, tap my both hands. "Magagawa niyo po ang nais niyo kapag dumating na ang araw at panahon na alam niyo sa sarili niyong kaya niyo ng harapin ang mga kinakatakutan niyo. "seryosong wika ni Rina. "Kailan pa ang tamang panahon na kaya ko nang magpatawad at maging tapat sa sarili ko."I said prostratedly. "Darating din ang tamang panahin Miss,at naniniwala po ako na worth it at nasa tamang timing po ang lahat kapag dumating na ang araw na iyon. "she assured me. Hindi ko napigilang yakapin si Rina. Sa t'wing nariyan siya at pinapayuhan ako pakiramdam ko ang gaan ng loob at pagkatao ko. She is really an angel for me. May mga sandali na gusto kong magalit at magsungit pero sa t'wing nakikita ko siya nawawala ang hindi magandang mood ko. Hindi ko maintindihan pero isa si Rina, sa mga tao na kayang pahinain ang loob ko. Isa siya sa mga taong gustong manatili ang totoong ako kesa sa gusto kong maging ako. "Saan nga po pala tayo pupunta ngayon?"she asked ng kusa itong kumalas sa aming yakap. Dalawang linggo na ang nakaraan at tuluyan nang bumuti ang lagay niya. Natanggal na rin ang tahi sa ulo niya.Dalawang linggo rin akong nag-adjust sa trabaho dahil hindi siya ang kasama ko. Mama Gina, hired a temporary PA for me. Magaling at mabait naman ang PA na kinuha niya sa akin pero, iba parin kapag nakasanayan na. And now that she's totally okay, hindi rin ito papayag na hindi makabalik sa kanyang trabaho. Kung siya lang ang masusunod. Noong isang linggo pa niya gustong mag trabaho pero hindi ako pumayag at si Tami. Gusto namin na kung mag trabaho siya ulit sa akin ay totally magaling na siya. Katunayan kasama ko na siya mula sa taping ng commercial na te-nake ko para sa isang telecom company. We were heading home.Pero balak kong hindi muna kami umuwi ngayon. "Sa Bella's, shelter tayo Rina, kuya Arman."masayang anunsyo ko sa kanila. "Wow, gusto ko yan Miss, nakakamiss na ang mga bata. Sigurado na miss ka na rin nila.Alam mo naman na ikaw ang lodi nang mga iyon. " bakas sa boses niya ang saya. "Namiss ko na rin sila Rina, kaya bibisita tayo doon." bago dumeretcho sa shelter, dumaan muna kami ni Rina, sa mall at namili ng mga pasalubong sa mga bata. Pagkain at laruan, meron ding mga children's book na pwede nilang pagkaka abalahan sa loob ng shelter. I build my own shelter for kids. Mga batang walang mga magulang at palaboy- laboy nalang sa daan ang mga tinutulungan namin. Centro ko dito ay ang mga batang biktima nang pambubully ng mga kapwa nila bata. Gusto ko na kahit sa ganoong paraan man lang ay may maitulong ako sa mga tulad ko ring naging biktima ng diskriminasyon.Sa shelter tinuturuan sila ng mga madre nang mabubuting asal at kung paano makipag kapwa at mahalin ang bawat isa. Sa mahigit dalawang oras naming byahe ay natatanaw na nang aking mga mata ang Palatandaan na malapit na kami. Inihanda ko na ang aking malaking ngiti dahil sa oras na bumaba na kami ni Rina, ng kotse ay mahigpit na yakap at matatamis na mga halik ang sasalubong sa amin mula sa mga bata. Ganun din sa mga sisters. "It's good to be back here. Tatlong buwan din tayong hindi nakapasyal dito Miss. Sobra kase tayong busy sa mga projects and modeling career niyo. "si Rina, na kagaya ko ay palinga-linga din sa paligid. Mukhang katulad kami ng iniisip. Dapat kase ay sasalubungin ako ng mga bata gaya ng nakagawian na kapag may bumukas na gate ay nag-uunahan silang sumalubong sa mga dadating, pero kahit na isa ay wala yatang lumapit at sumalubong sa amin ni Rina. Nakakapanibago. Ginala ko ang aking mga mata sa play ground,pero wala ni isang batang naglalaro doon. "Nasaan ang mga bata kuya Anjo? "nagtatakang tanong ko sa guardiyang nagbukas sa amin. "Nasa loob po sila Ma'am. "tipid nitong sagot. Napatango na lamang ako. "Rina, tara na sa loob. "tawag ko kay Rina, pero tila hindi ako narinig. "Wow, may bagong car, maka angkas nga mamaya 'pag umuwi." naglakad ito palapit sa auto na nakaparada sa labas ng gate. Hindi ko ito napansin kanina ng papasok palang kami. Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan. Ngayon ko lang ito nakita dito sa shelter na nakaparada. Maliban lang kung may bisita sila sisters na hindi ko alam. Pero kadalasa'y hinihingi muna nila ang abiso ko bago sila nagpapasok ng ibang tao dito. Napailing ako. Hindi ugali nila sisters ang nagpapasok ng mga hindi kilalang tao. Siguro'y kamag-anak nila ang may-ari ng auto o 'di kaya ay kaibigan ng isa sa kanila. Nakaramdam ako ng excitement,gusto kong makita kung sino man ang may-ari ng auto na ito.Ang kahit na sino mang malapit kila sisters ay malapit na rin sa akin. Dito sa shelter, pamilya ang turing ko sa lahat ng mga nandito. Pamilyang nan diyan lang nagpapayo kapag malungkot ako. This shelter is my caged in times of sadness and sorrows. Kapag nalulungkot ako at gusto kong mapag-isa dito ako pumupunta. Ang mga bata ang isa sa mga rason kung bakit nakangiti ako sa kabila ng tunay kong nararamdaman. Humugot ako ng malalim na buntong hininga.Hinila ko si Rina. "Pasok na tayo Rinaa, "aya ko sa kanya. "Miss, hindi mo man lang ba tatanungin si kuya guard kung sino ang may ari nitong sasakyan? "angal niya na tila ayaw pa yatang umalis doon. "Sa loob na."sagot ko. "Kuya, Arman, kayo na po ang bahala sa mga gamit sa sasakyan. Magpatulong po kayo kay kuya Anjo. "bilin ko kay kuya. Si Rina, naman ay biglang kumawala sa akin para lapitan si kuya Anjo. "Rina.."kalmadong tawag ko sa kanya.May binulong ito dito. Nang sumagot ang isa ay mabilis niya itong tinapik sa balikat at nagmamadaling lumapit sa akin. "Alam ko na po kung sino ang may ari nang auto, Miss. " anunsyo niya na sinamahan pa ng mahinang tili. "Sino? "kunoy noong tanong ko dito. ngumiti lang ito. Napaka weirdo talaga itong si Rina. "Isa siyang doktor Miss. "biglang kumabog ang dibdib ko.Isang tao kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Imposible. Ang daming doktor dito sa pilipinas. Napakalabong siya ang bisiting doktor dito sa shelter. At bakit ko ba iniisip na siya ang doktor na bumisita? Hindi ko dapat iniisip 'yon. "S-sinong doktor naman,iisa lang naman ang personal nating doktor na para sa mga bata. At si dok Alcaraz,iyon." kilala ko ang sasakyang ginagamit ni dok Alcaraz, hindi ito ang sasakyan niya. "Basta, makilala niyo rin siya. Tara na po sa loob Miss, can't wait to see Him.Ahh,kilig ako. "napailing na lamang ako sa inasal ni Rina. Itong babaeng ito puro nalang kilig pero wala namang lovelife. "Puro ka nalang sa kilig d'yan,wala ka namang lovelife. "napapangiting sinabi ko sa kanya. Sa ilang taon naming magkasama ay wala pa akong nakikilalang boyfriend niya. Maganda si Rina, parang Kim Chiu ang dating lalo na ang mga mata niya. Pareho din silang may dimple ng naturang artista. "At nagsalita ang may lovelife.." balik pang -aasar niya rin sa akin .Napailing nalang akong nangingiti habang sabay kaming tumuloy sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD