Flashback "Good afternoon po. Hinatid ko lang po si Bella."magalang na bati ni Dale,kay Mama ng pagbuksan niya kami ng pinto sa bahay. Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Mama ng makita ang sitwasyon ko. Mabilis niya akong dinaluhan at inusisa. "Bella, anak anong nangyari sayo? "nag-aalalang aniya. Tinulungan niya akong pumasok sa loob ng bahay. Si Dale, naman ay todo alalay parin sa akin at walang pakialam na pumasok din sa loob. "Hijo, sino ka naman at bakit kasama ka nang anak ko?"tanong niya kay Dale, ng makaupo ako sa payak naming sala. "Ako po si Dale,school mate ko po so Bella, naabutan ko pong pinagtulungan siya nang mga pareho naming estudyante kaya ko po siya tinulungan."palipat-lipat ang tingin sa amin ni Mama. Tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ng binata sa kaniya. Si

