CHAPTER 26

2116 Words
Chapter 26: Enough LEIGHTON’S POV LUMIPAT kami sa kabilang lugar para lang makaiwas kay Leandro. Hindi ko naman kasi inaasahan na muli kaming magkikita ngayon. Tapos una pa niyang hinanap ay ang anak ko. Ang kapal talaga ng mukha niya. Hahanapin na nga lang niya ang sinasabi niyang anak niya, ngunit ibang bata naman ang nilapitan niya. Natakot tuloy si Tin, akala nito ay kukunin siya at sa naisip nitong hindi anak ni Noah ay ang mas lalong natakot ang bata. Ngayon, okay naman ulit si Astrid. Nakapaglalaro na ulit siya, pero umiiyak pa rin si Ashtine na kausap ang daddy niya sa cell phone. “Daddy ang sabi po ng mamang iyon ay anak niya ako! Eh, hindi ko naman po siya daddy! Ikaw lang po ang daddy ko!” umiiyak na sumbong pa ng bubwit. Napatingin ako sa mommy niya, napapailing lang ito habang hinihilot ang sentido. Hinahayaan na niyang magsumbong ito sa ama, kahit nagkamali lang naman ang tinutukoy niyang mama. Ang sunod kong tiningnan ay si Annaliza, nakaupo sa kandungan niya ang pamangkin ko. Nang mapansin niya ako ay nag-angat siya ng tingin. “What?” mataray na tanong niya, tinaasan pa niya ako ng kilay. Matagal nang ganyan ang ugali niya, pero mas tumapang yata siya ngayon. Siguro may anak na, panakot na lang niya sa kuya ko kapag inaway ko siya. “Wala ka pa ring pinagbago kahit na kailan, Annaliza,” naiiling kong sabi. Nagkibit-balikat lang siya at ngumisi. “Anyway, what do you think about Leandro?” “I don’t want to talk about him, Annaliza. I don’t care about him anymore,” kaswal na sabi ko lang, muli kong sinulyapan ang anak ko. Ni hindi man lang siya nagtanong sa nangyari kanina, tahimik lang siya at parang wala lang din. Hinawakan ko ang kamay niya, kaya napatingin siya sa akin. Gustong-gusto ko talagang hawakan ang mainit at malambot niyang kamay. “Bakit po, mommy?” inosenteng tanong nito. Malamyos ang boses. Sinapo ko ang pisngi niya at ngumiti. “Hindi ka ba magtatanong kay mommy? Tungkol sa nangyari kanina?” “No, mommy. I don’t have any questions,” umiiling na tugon niya. Halatang hindi man lang siya na-curious. Ipinagpatuloy niya lang ang pagda-drawing. Kilala ko naman ang aking anak. Pero pagdating sa ganitong sitwasyon, gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. “Baby,” malambing na tawag ko. Hinalikan ko pa siya sa sentido. “Ah, iyong nangyari po ba kanina? Na akala po ng mamang iyon ay anak niya si Tin?” tanong niya, na tila ngayon lang nag-sink sa kaniya. Parang hindi rin siya interesado. “Yes, you heard him, right anak?” “What about him, mommy?” Napaayos ako nang upo, naramdaman ko ang pagsulyap sa akin nina Annaliza at Xanthe. “Basta kanina.” “Mommy, I don’t want to talk about it if you don’t want to either, and I don’t even know that man who just showed up looking for me. To me, Dada Noah will always be my only dad.” Marahan lang ang pagkakasabi niya, ngunit parang binibigyan niya ng diin ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Kung maririnig lang ito ni Leandro, ewan ko na lang kung hindi siya masasaktan. Matagal ng alam ni Astrid na hindi naman talaga niya biological father si Noah, at daddy lang ito ng step-sister niya. Pero ni minsan ay hindi siya nagtanong kung sino ang tunay niyang ama o kung nasaan na ito ngayon. At bakit wala sa tabi namin, na kung ano ba ang nangyari? Kahit pangalan nito ay hindi man lang siya nagkainteres. Nagkatinginan kami ni Xanthe. Nakagat niya ang labi at bakas sa mukha niya ang pagkamangha. “Well, you really raised two very different personalities, Leighton. Isang bata na walang kasing daldal, makulit at iyakin.” “Mommy, bully ikaw ha,” singit bigla ni Ashtine, tumigil na sa pag-iyak at tapos nang makipag-usap sa kaniyang ama. “Isang batang matured na kung mag-isip,” singit ni Annaliza. “Sino po ang matured na mag-isip, mommy?” usisa ni Rextor. Isa pang makulit na bata. “Bawal sumabat ang mga bata,” sita niya sa anak, na ikinasimangot nito. “Huwag mo akong simangutan, anak. Bad manners ang sumisingit sa usapan ng mga matatanda. Kung hindi ka kinakausap ay huwag kang sabat nang sabat. Naiintindihan mo ba, Rextor?” Mahinahon na ang boses niya, para hindi ito matakot sa kaniya. “Yes po, mommy!” Sa nasaksihan ko na pag-uugali niya ay hindi ko naisip na puwede siyang magpalaki ng sariling anak. Kung titingnan kasi ay napaka-spoiled brat niya noon. Pero ina nga siya, may paraan din siya kung paano disiplinahin ang sariling anak. “Mommy, wiwi po ako,” mayamaya ay sabi ni Astrid. I nodded, at tumayo ako para alalayan naman siya. “Sama po ako, momma. Wiwi po ako,” wika naman ni Tin. “Hindi pa nga tayo kumakain at wala pa kayong iniinom ay nawiwi na agad kayo?” Si Xanthe na umiling lang. Tatayo na sana siya nang magsalita ako. “May nadaanan tayo kanina na fast food restaurant, Xanthe. Mauna na kayo roon, susunod na lang kami ng mga bata,” aniko. Kinuha ko ang dalawang backpack ng dalawang bubwit. “Sige,” sagot niya. Hinawakan ko na sa kamay ang mga anak ko, hinigpitan ko lang kay Ashtine. Masyado pa naman siyang maligalig na bata, baka makawala pa. Heto nga, kahit naglalakad na kami ay may kasama pa siyang pagtatalon. “Anak, parang hindi ka umiyak kanina, ah,” puna ko na agad kong nakuha ang munti niyang atensyon. “Yes po, momma. Bukas daw po ay susunod na si daddy! Excited na po ako at kung magkikita po ulit kami ng mamang iyon, ipapakilala ko po sa kaniya kung sino ang daddy ko! At hindi po siya!” “Tin, nagkamali lang naman ng mama kanina. He was actually looking for me, ’di ba?” sabi ni Astrid, na kahit nasa gitna pa nila ay kaya pa nilang mag-usap. “Oh, right po, Ate Ast! Wait... ikaw po ang hanap niya kanina. Dami niyang say at narinig ko iyon lahat. So does this mean… that man is really your father?” Napahinto ako, kaya maging sila ay napahinto na rin sa paglalakad. Yumuko ako at nakita kung ano reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata niya, makikita roon ang pagkamangha at umaawang na ang labi niya. Ang bilis din maka-gets ng bubwit na ito. Hindi ko inaakala na ganito rin siya katalino. Wala ng tanong-tanong, hindi naman siya curious. So, kung ano na ang naisip niya ay iyon na ’yon. “Uhm, Tin. Si Dada Noah lang ang daddy—” “Wait po, ate!” “Tin,” sambit ko sa pangalan niya nang bigla itong bumitaw mula sa pagkakahawak ko. “Wait lang po, momma,” aniya at ikinumpas pa niya ang kamay sa ’kin. Tumayo siya sa harap ng kaniyang ate. Halos matawa ako nang pinagkrus niya ang malulusog niyang mga braso, pero ang kanang kamay niya ay nakapuwesto sa chin niya, na tila’y nag-iisip. “Tin, nawiwi na ako, e,” sabi naman ng anak ko. Hindi siya nito pinansin at mataman lang siya nitong tinitigan. Hanggang sa nanlalaki na naman ang mga mata ng makulit na bata. “Yes! You looks exactly like him po, ate! Your eyes, your nose, and your dimples! May ganyan din po ang mama kanina!” Napapalakpak pa siya. “Tin naman.” “Hala, ate ko! May daddy ka po pala!” “Tama na muna iyan. Tin, akala ko ba ay magwiwi ka, anak?” singit ko, na mukhang hindi na kayang magtiis ni Astrid. Natatawang humawak na lang siya ulit sa aking kamay at nang makarating na kami sa comfort room ay tinuro naman ng baby ko ang isang cubicle. “Kaya ko na po, mommy. Kay Tin ka na lang po.” Tumango ako. Sa kanilang dalawa ay talagang si Tin ang nangangailan ng tulong. Sa laki nito ay minsan nawawalan ng balanse sa loob ng banyo. Inilagay ko sa sink ang backpack nila at sinamahan ko sa loob ng cubicle ang isa ko pang baby girl. “Thanks, momma. Sorry po sa abala, ha?” “Hindi ka abala sa akin, anak. At never iyon mangyayari.” “Maiba po tayo, momma.” Napanguso ako. Hala siya, parang matanda kung magsalita. “Wiwi ka muna.” “Bakit po umiiyak kanina ang mama na iyon? At siya po ba talaga ang daddy ng ate ko?” Bahagya lang akong tumango. “Huwag na nating pag-usapan ulit ito, ha baby? Ayaw rin kasing i-bring up ng ate mo, e,” sabi ko sa kaniya. Ilang sandali pa niyang tinitigan ang mukha ko. Tumutulis ang labi niya, pero kalaunan ay tumango lang siya. “Masyado na po ba akong makulit, momma? Paluin mo lang po ako kapag nakukulitan ka na sa akin, ha?” I chucked softly. Inayos ko na ang damit niya, dahil tapos na siyang umihi. “Hindi naman ako bad para paluin ko ang baby girl ko. You’re so adorable, anak. At para walang secret si momma, tayo na lang ang mag-usap tungkol doon, okay? Mag-uusap tayo na wala ang ate mo.” Unti-unting sumilay ang matamis niyang ngiti. “Gusto ko po iyan, momma!” “Labas na tayo, Tin. Maghugas ka muna ng kamay para makakain tayo mamaya.” Paglabas namin ng cubicle ay nasa labas na rin ang aking anak. Nagpupunas na siya gamit ang handkerchief niya. I checked her dress too para ayusin din. “I heard that, Tin. Ikaw, ha. Tsismosa na. Sumbong kita kay dada.” “Hindi po, ate ah! Curious lang po ako. Hindi ba, momma. Iba naman po ang tsismosa at ang curious po?” Natawa lang ako sa kanila at hinayaan na mag-usap. Hawak ko ulit sila sa kamay nang lumabas na kami. Diretso na naming tinungo ang fast food restaurant. “Saan kaya sila pumuwesto?” “Hmm, ang sarap ng amoy sa loob, momma.” “Masarap, Tin? Nakain ba ang amoy?” tila nanunuksong tanong ni Astrid. Madalas ganito talaga sila. Nang makita ko kung saan sila nakapuwesto ay iginiya ako patungo roon ang mga bata. “Hayon po si mommy, momma. Mommy ko!” Binitawan ko na ang kamay niya para mauna na siyang makalapit doon. “Tin, be careful, anak,” paalala ko pa at nagkatinginan kami ng aking anak. “Napaka-hyper niya po talaga, ano mommy?” “Yes, anak. Salamat sa pag-intindi kanina, Astrid. Kung magbago man ang isip mo at nais mo nang magtanong sa akin ay huwag ka lang mahiya, ha? Kung may mga tanong ka ay magagawa kong sagutin iyan.” “Hintayin ko po na maging komportable ka rin po kung puwede na nating pag-usapan iyon, mommy.” Natigilan ako, bumilis ang t***k ng puso ko. “Anak...” “I’d rather not ask, because a while ago, I saw the anger in your eyes. I’ve never seen you like that before… and then, I also noticed the sadness hiding there. Mommy, kapag pumayag na po si momma na makasama sina dada at Tin ay okay na po ako sa ’yo. Okay na po ako kahit tayong dalawa lang. At kung siya man po...ang daddy ko. Hindi na po natin siya kailangan, mommy. Tayong dalawa na lang po. Puwede ko naman pong maging dada forever si Dada Noah, may ninong din po ako, may tita at tito naman po ako. Nandiyan sina lola at lolo,” mahabang sambit niya. Kalmado ang boses niya, at hindi ako makapaniwala na sasabihin niya iyon sa akin. “Astrid.” “Ayoko pong makita na nasasaktan ka. Sa akin nga po, mommy ay nasasaktan na kita dahil sa sakit ko. Kaya ayoko pong dagdagan ang sakit na iyon. Let’s not bring into our lives people who were never truly part of it.” Sinasabi niyang hindi nga parte ng buhay namin ang kaniyang ama? Oh, my God. Nakabibigla itong mga sinasabi ng anak ko at alam niya, inoobserbahan niya ako kapag nakikita ko rin siyang nahihirapan sa sakit niya. Binabantayan niya ang reaksyon ko, at alam niya kung paano makita ang isang tao na punong-puno ng galit at kung nasasaktan din ba ito. “Thank you, baby. Hulog ka talaga ng langit sa akin,” naluluha kong sabi sa kaniya. Yumuko ako upang buhatin siya. Yumakap agad ang mga braso niya sa leeg ko. “I love you so much, mommy. Ikaw lang po ay sapat na sa akin.” Nanikip agad ang dibdib ko. Natutuwa ako sa malawak niyang pang-unawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD