CHAPTER 27

1649 Words
Chapter 27: Love MASAGANANG kumakain ang mga batang kasama namin. Si Xanthe ay busy kay Ashtine, sinusubuan niya ito. Kasi alam niyang walang awat sa pagkain ang bata. Mamaya niyan daw ay mabubulunan ito. Palagi niyang pinapaalala na dapat may limitado sa pagkain. Lalo na’t, hindi rin naman ito mapili sa mga kinakain. Mainit ang amoy ng bagong pritong fries at burger na bumabalot sa loob ng fast food restaurant. Sa bawat pagpasok naman ng mga customer, agad na sumasalubong ang malutong na tunog ng fryer at ang mabilis na pag-order ng mga tao sa counter. Makikita ang makukulay na menu boards na kumikislap sa itaas, may malalaking litrato ng pagkain na nakaaakit sa gutom. Nakahanay ang mga mesa at upuan, karamihan ay gawa sa makintab na plastic at metal na madaling linisin. Sa isang sulok, may nakaupo’t nagtatawanang grupo ng kabataan, habang sa kabilang banda naman ay may pamilyang sabay-sabay na nagsasalo ng kanilang pagkain. Ang ingay ng mga tray na isinasalansan, at tawanan ng mga bata. Malamig pa ang simoy ng hangin mula sa aircon, at sa ilalim ng puting fluorescent lights, tila mas malinaw at mas makulay ang lahat ng bagay. Abala rin ang mga crew sa pagbibigay ng order, nakangiti at mabilis kumilos. Nang ibaling ko naman ang atensyon ko kina Annaliza at Rextor, parang babae lang ang pamangkin ko. Kumakain siya ng mag-isa, pero sobrang hinhin nang bawat galaw at kilos niya. Ang ginagawa lang ng mommy niya ay pinupunasan ang dumi sa bibig niya. Pasta at fries ang pinili nilang kainin. “Say ah, mommy.” Napatingin ako sa anak ko nang marinig kong nagsalita ito. I smiled when I saw her feeding me a fry. I ate it, then rubbed the tip of my nose against her cheek. Napahagikhik pa siya. “Ako rin po iyan, momma!” sigaw ni Ashtine. Napatingin tuloy sa amin ang iilan na customer. “Inggitera,” sabat agad ni Xanthe. Siya na ang gumawa no’n para sa anak niya. Natuwa ito. After naming kumain ay ipinagpatuloy na lang namin ulit ang pamamasyal. Bumili pa ng mga laruan ang tatlong bubwit. Si Kuya Rexus ang sumundo sa amin. Sasama pauwi ang mag-ina niya, samantalang si Xanthe naman ay umuwi na rin sa kanila. Pinuno pa siya ng paalala ng anak niya, na mag-iingat daw siya at tumawag daw agad ito sa akin kapag nakarating na sa bahay. Kami ang nasa backseat, si Rextor ayaw niya sa harap. Kahit ilang beses siyang pinilit ng kaniyang ina, kaya kami ang nagsiksikan dito sa likod. Ang iingay rin nila at tinuturo ang mga nadadaanan namin sa labas. “Parang hindi kayo galing abroad, ha? First time ninyong makakita ng matataas na gusali?” nakataas ang kilay na tanong ni Annaliza, kulang na lang ay umikot na ang mga mata niya. “Tita, nasa Philippines po kasi kami. We’re not familiar po kasi. Saka humahanga lang naman po kami,” defensive na sabi ni Ashtine. “Ah, talaga. Gusto mo bang mag-stay na lang dito?” “Ewan ko po, tita.” Umiling na ito. “So, babalik ba kayo sa America after ng wedding anniversary ng parents ninyo, Leighton?” I nodded. “Oo, kasi under medication pa ang anak ko, e. Kailangan niya ulit ipa-check up, dahil hinika siya kanina. Ngayon lang ulit iyon nangyari,” paliwanag ko, napansin ko na halos tumayo na si Tin at kulang na lang ay ipasok na niya ang kaniyang ulo sa bahagyang nakabukas na bintana. “Anak, delikado iyan. Stay still, please.” Kanina lang sila nag-usap ng Tita Annaliza niya, pero ngayon ang likot na niya ulit. “Sorry po, mommy!” masayang bulalas nito. Si Rextor ang nasa tabi ng pinto, si Astrid ang nasa gitna namin na nakikituro lang sa labas. Si Ashtine talaga ang pinaka-hyper. “How about you, little one? Bakit hindi ka sumama sa mommy mo kanina? Aba, tinatago ka lang niya sa pamilya niya?” Kinausap na naman niya ulit ito. “Annaliza,” mariin na tawag sa kaniya ni kuya. “I just want to ask. Six years na, Leighton. Hanggang ba sa paglaki ng mga bata ay ganyan ang sitwasyon ninyo?” I sighed. “Tsismoso ka talaga, kuya,” naiiling na sabi ko. Nasa boses ko naman na hindi ako na-offend sa tanong ng girlfriend niya. “Hindi ko nalaman sa kuya mo, Leighton. Nakalap ko lang ang information na iyon kanina. Sinabihan ko rin ang mommy ng makulit na iyan. As if naman na magkukuwento ang isang ito,” aniya, sinamaan pa niya ng tingin ang nakatatandang kapatid ko. Focus lang ito sa pagmamaneho, subalit nakikinig naman sa pinag-uusapan namin. “Ah, that. Well, it’s up to them kung ano ang magiging desisyon nila, and we’re good naman,” kibit-balikat na sabi ko. “Tita, sa tanong mo kanina. Of course po, gusto kong sumama kay mommy. Pero huwag po muna ngayon, baka po pagalitan siya ng lolo at lola ko. Dahil may anak po siya,” marahan na paliwanag nito, napataas ang kilay ni Annaliza. “Kung takot pala ang mommy mo sa parents niya ay dapat hindi siya kumirengkeng.” Alam kong nagbibiro lang siya, hindi naman siya seryoso. Nakangisi pa nga siya, e. Pero kami ang nagulat sa naging reaksyon ng bata. Malakas itong natawa at umaalog ang balikat. “Tita, kapag hindi po kumirengkeng si mommy. Eh, ’di wala ka pong kausap na katulad ko. Walang Ashtine dito mismo.” Sukat doon ay napatingin sa akin si Annaliza, nakaawang na ang labi niya. Narinig ko na rin ang mahinang tawa ni kuya. “Sa ’yo nga siya nagmana, Leighton.” Natawa na rin ako at hinaplos ko ang pisngi ng batang makulit. “Ang daming alam,” komento nito na namamangha lang. “Rex, anak. Gusto mo bang mapangasawa si Ashtine paglaki mo?” “Annaliza.” “Po? What was that, mommy?” nakangiwing tanong ng anak niya. Si Astrid ay sumandal lang sa bandang tiyan ko. Tiningnan ko naman siya at napansin ko ang sunod-sunod niyang paghinga. Nawala ang ngiti sa labi ko at hinarap ko ang anak ko. “Astrid, are you okay baby?” “I-I’m okay, mom. I’m just tired po,” mahinang sagot nito. “Okay ba ang heart mo? Hindi ba siya naninikip or something?” Umiling lang siya, pero naramdaman ko ang paghigpit nang hawak niya sa damit ko. “What’s wrong, Leigh? Okay lang ba si Astrid?” nag-aalalang tanong ni Kuya Rexus, nang mapansin niya ang pamangkin niya. Natigilan na rin ang dalawang bata. “Bilisan mo na lang po ang pagmamaneho, kuya. Pagod lang siya.” *** Buhat-buhat ni Kuya Rexus si Astrid nang papasok na kami sa loob ng bahay. Nakapikit ang mga mata nito at nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. “Don’t sleep, ate!” sigaw bigla ni Ashtine. Nagulat tuloy si Rextor. Kapag ganito kasi ang sitwasyon namin ay sinisita niya ang ate niya, na huwag daw itong matulog. “Ang liit-liit mo, pero ang boses mo. Ang tinis,” komento ni Annaliza, natawa pa siya. “Si ate po kasi, matutulog na. Eh, hapon pa, oh! Ate Ast!” Namungay ang mga mata nito at pinipigilan ang pumikit. “I’m fine, Tin. Huwag kang sumigaw. Ang ingay mo, e.” Bumitaw na naman ito sa ’kin, kumapit na siya sa dulo ng damit ni kuya. “Ninong, huwag mo siyang patulugin.” “Yes, don’t sleep, Astrid.” Nasa bahay sina mama at papa, paminsan-minsan na rin naman silang nagpupunta sa kompanya. “Lola, lolo. We’re home na po!” salubong ni Tin, nagmamadali pa siyang lumapit sa mga ito para magmano. Sumunod din si Rextor. “May nangyari ba?” tanong ni mama, pagkatapos niyang halikan sa noo ang dalawang bata. Lumapit siya kay Astrid. “Hi, lola.” Mahina na ang boses ng baby ko. Patunay iyan na napagod talaga siya. “Are you okay? Mukhang pagod na pagod ka, apo.” “Ihahatid ko na po muna sa kuwarto, ’ma,” ani kuya. “Sige. Ako na ang magbabantay roon.” “I think, kailangan nating ipa-check up si Astrid, Leigh?” Umiling ako sa suggestion ng kuya ko. “Tatawagan ko na lang po mamayang gabi ang doktor niya,” sabi ko. Tumango na lang siya at sabay na silang umakyat ni mama. Si papa naman ay tinabihan na ng dalawang bata. “Hi, papa.” Napanguso ako. Hindi sila nagpansinan kanina ni mama, pero heto siya ngayon. Papa na ang tawag niya sa aking ama. Nakipagkuwentuhan na lang muna ako rito sa sala, kasama si papa. Hanggang sa napagdesisyunan kong umakyat na sa kuwarto ko para makapagpalit ng damit. Isinama ko na rin si Ashtine. Kanina ko pa napapansin na inaantok na siya. Umalis din agad si mama. “Sleep na po muna ako, momma.” Mabilis nang sumampa sa kama ang anak ko, tumabi siya sa ate niya na mahimbing ang tulog. Napahinga ako nang malalim at umupo sa kama, doon mismo sa tabi ni Astrid. Kahapon nang makarating kami rito ay hindi naman siya napagod ng husto. Pero ngayon, sinumpong lang siya ng hika ay pagod na pagod na agad siya. Hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan ko ito. “Stay strong, baby. Gagaling ka rin, basta labanan mo lang ang sakit mo,” bulong ko at hinalikan ko siya sa noo. “I will, mommy. I will fight for you.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang marinig ko ang munting boses niya. “I love you, Astrid.” “I love you more, mommy,” she uttered, hinawakan niya rin ang kamay ko at hinalikan niya rin ito. “I love you too, momma.” I chuckled. “Sleep ka na, baby Ashtine namin,” aniko, inabot ko ang pisngi niya at hinaplos ang pisngi niya. Nakikisingit din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD