Chapter 40: Friends “KUNG ikaw ang bubuo sa pamilyang iyon, huwag mo na akong isama pa at hindi rin ikaw ang puwedeng bumuo sa pamilya namin,” umiiling na sabi ko. Iba na ngayon, iba na ang sitwasyon namin. At hindi na ulit ako susugal sa bagay na iyon. Hinding-hindi na. “I know... Pero maghihintay pa rin ako. Hindi ako nagmamadali, ngayon pa lang ako babawi sa inyo, lalo na sa ’yo. Kaya hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko. Hihintayin ko ang kapatawaran mo, hihintayin ko ang pagkakataon na puwede na...” nagsusumamong sabi niya, nararamdaman ko ang kirot sa dibdib ko. May panghihinayang man, ngunit wala na akong magagawa pa roon, kahit siya na mismo ang nagbibigay ng pagkakataon na iyon para matupad ang pinapangarap ko noon. Bakit kaya ganoon? Sa mga panahon na okay na sana, pagtanggap

