Ang bilis ng panahon, malaki na ang tiyan ni Inay. Kalalabas ko lang galing trabaho. Susunduin nila ako ngayon dahil naisipan naming mamili ng gamit ng baby.
Inay
calling......
"Hello Inay nasaan-" tanong ko pero hindi ko natapos.
"Anak, Zayl?! Nawalan ng p-preno 'yung kotse," sabi ni Inay ng may takot.
"Inay, nasaan na kayo? Diyos ko, ano'ng gagawin ko?" tanong ko na may pag-aalala, "Inay, Itay! Inay sumagot kayo!"
Natatakot ako. Ano'ng nangyayari? Narinig ko na lang na may malakas na ingay. Iyon ang huli kong naalala dahil nawalan na ako ng malay.
"Zayl, are you okay?" tanong ng katrabaho ko nung bumalik ang malay ko.
"Where's my parents? I wanna go to them? Where are they? Please help them, please," sabi ko nang litung-lito.
"Zayl, I heard what happened about your parents. I am sorry to tell you that-" sabi niya pero hindi ko pinatapos.
"Tell me what happened to them?" sabi ko habang umiiyak.
"They're gone," sabi niya.
"No," sabi ko nang nanlulumo.
Agad akong umalis pagkatanong ko kung saan dinala ang mga magulang ko. Nagpunta ako sa ospital na pinagdalhan sa kanila.
"Diyos ko," sabi ko, "Inay, Itay, bakit nangyari sa inyo 'to? Bakit niyo ako iniwan? Magkakaroon pa ako ng kapatid 'di ba? Bakit nangyari sa kanila 'to? Hindi ko man lang nakasama ang kapatid ko, napakasakit."
Yakap-yakap ko ang wala ng buhay nilang katawan habang umiiyak ako. Nakatakip sila ng puting kumot. Litung-lito ako, ang bilis ng pangyayari. Ang saya lang namin kahapon pero sa isang iglap lang napawi na ang lahat ng magagandang alaala dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sabi ng mga pulis sinadya daw tanggalin ang preno ng kotse namin. Pero sino'ng gagawa niyon? Wala naman kaming kaaway. Wala na akong pakialam basta ang alam ko, napakasakit! Napagdesisyunan ko na ipa-cremate sila. Ipinaubaya ko na sa mga pulis ang imbestigasyon. Kahit ano namang gawin ko, hindi na maibabalik ang buhay ng mga magulang ko. Lutang na lutang na ang utak ko.
Litung-lito na ako, hindi ko na alam kung ano'ng dapat gawin. Masisiraan na yata ako ng ulo sa nangyayari sa'kin ngayon. Sobrang bigat sa pakiramdam! Nagulat na lang ako na sa akin nakapangalan ang bahay na tinitirhan namin at mas nagulat ako sa iniwan ng Inay na malaking pera sa bangko. Hindi ko inaasahang makakapag-ipon siya ng ganung kalaking pera.
Ang dami kong tanong. Gusto kong hanapin 'yung mga amo niya pero ni pangalan at tirahan nila ay hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung alam na nila ang nangyari. 'Yung doktora namang kapatid ng amo ng Inay na nag-opera sa Itay ay wala daw ngayon dito sa America.
Ang dami kong iniisip, ni hindi na ako makakain. Nag-resign na ako sa trabaho dahil plano ko ng bumalik sa Pilipinas. Palagi ko pa rin silang naaalala. Ang bilis ng buhay ng tao. Pinaasa lang ako, gumaling ang Itay, gumanda ang buhay namin, nakatapos ako ng pag-aaral, magkakaroon pa sana ako ng kapatid pero sa isang iglap lang nawala ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko lubos maisip na bigla lang mangyayari sa’kin 'to, sabay-sabay silang nawala sa’kin.
Palabas ako ng gate dahil papunta ako sa clinic ni Doktora, nabalitaan ko kasing nakabalik na ito, napahawak ako sa noo ko, bigla kasi akong nahilo, at tuluyan na nga akong natumba.
"Iha, are you okay? I was going home with my driver when I saw you fainted. I'm Claire," sabi ng babae pagkamulat ko ng aking mga mata.
"Thank you Miss Claire. I'm okay now. I'm Zayl," sabi ko naman.
Gawa siguro ng hindi ko pagkain at kakulangan sa pagtulog. Nandito ako sa loob ng kotse niya. Naisip kong huwag munang ituloy ang pagpunta kay doktora. Kailangan ko munang magpahinga. Nagpaalam na ako at muling nagpasalamat atsaka bumalik na sa bahay.
Kinabukasan nagpunta na ako sa clinic. Nandito ako sa labas, kabababa ko lang ng taxi. Napansin ko 'yung babaeng nasa late 40s, 'yung tumulong sa akin nung hinimatay ako. Pababa siya ng kotse, napatingin sa akin 'yung babae at papalapit na sa kinatatayuan ko.
"Hi Zayl! Where are you going?" tanong niya.
Natatandaan pa niya ako.
"I'm going to Dra. Sanchez. How about you Miss Claire?" sabi ko. Hindi ako sigurado kung Claire nga pero sa tingin ko ay tama ako.
"You know what, I'm also going to her clinic. Do you have an appointment with her?" tanong niya.
"No, I just have something to ask to her," sabi ko.
"Oh. Let's go. I'll go with you," sabi niya. Napatingin ako sa kanya habang nakangiti. Sabay kaming pumasok ng clinic.
"Hi Charie, did you receive my text that I'll come here?" tanong ni Miss Claire kay Dra. pagkapasok namin. Nung una, nagtataka lang 'yung Dra. pagkatapos ay tumango na rin. "Charie, I met this young lady yesterday and she said that she has something to ask to you. Anyway, I'll be back. Maiwan ko muna kayo," sabi niya, at lumabas na ng clinic.
"Please sit down," sabi ni Dra.
"Thank you. Ahm, do you still remember me?" tanong ko.
"Yes, of course. How's your father?" sabi niya.
"My parents died a month ago," sabi ko.
"Oh, I'm sorry. You’re Zayl, right? Ano'ng nangyari?" tanong niya.
"Yes. Car accident," sabi ko habang namumuo na naman ang luha ko sa mga mata ko. Napansin siguro ng Dra. kaya hindi na siya nagtanong about dun.
"I'm really sorry. Ano’ng maitutulong ko? What do you wanna ask?" tanong niya.
"Tungkol po sa kapatid niyo at sa asawa niya. I don't know how to thank them. I don't even know if they already know what happened to my parents," sabi ko.
"I understand you. Okay, Zayl, I will give their address in the Philippines and their contact numbers," sabi niya.
"Thank you Dra. but please don't tell anything to them, let me tell them personally what happened to my parents. Hindi ko na po kukunin ang contact numbers nila. Address na lang po," sabi ko.
"Okay, if that's what you want," sabi niya.
Matapos maibigay ni Dra. ang address, nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ako ng kuwarto. Paglabas ko, nandun si Miss Claire.
"I have to go Miss Claire, thank you," sabi ko at umalis na ako.
Ilang araw na buhat nung manggaling ako kay Dra. Nasa bahay ako nung may mag-door bell. Napagbuksan ko si Miss Claire na umiiyak, nag-away daw sila ng asawa niyang kano at nalaman kong purong Pinay siya. Hindi kasi halata. Bago pa lang daw silang mag-asawa at bago rin siya dito sa America.
"Pasensiya na talaga Zayl, alam kong kamamatay lang ng mga magulang mo para bigyan pa kita ng problema. I'm sorry wala lang talaga akong malapitan," sabi ni Miss Claire habang umiiyak.
Naikuwento ko rin kasi na kamamatay lang ng mga magulang ko. Nagkakapalagayan na rin kasi kami ng loob sa mga araw na nagkakatagpo kami ng landas dito sa America pagkatapos nung pagkikita namin sa clinic.
"It's okay, dito po muna kayo para may makausap kayo, ganun din po ako," sabi ko.
"Thank you iha," sabi niya.
Dalawang araw na si Tita Claire dito dahil ako ang may gusto kasi palagi niyang sinasabi na magpapakamatay siya kaya natatakot ako. Tita na lang daw ang itawag ko sa kanya. Hay, gusto ko ngang ibalik ang buhay ng mga magulang ko tapos siya sasayangin niya lang 'yung sa kanya. Naaantala tuloy ang pagbabalik ko sa Pilipinas dahil sa kanya pero okay lang.
Minsan napapansin kong okay na siya at ako gabi-gabi pa ring umiiyak. Madalas sumama ang pakiramdam ko dahil hindi na ako makatulog. Gusto ko nang bigyan ng kasagutan lahat ng tanong sa utak ko.
"Good morning, ipinagtimpla kita ng gatas," sabi ni Tita Claire. Naaalala ko ang Inay. Siya ang palaging gumagawa nito nung nabubuhay pa siya.
"Salamat po. Nag-breakfast ka na ba Tita?" sabi ko.
"Yes iha, don't mind me atsaka maaga ako nagising. Nga pala salamat sa pagpapatuloy mo dito sa bahay mo. Bukas pupunta ako kay Charie, doon muna ako. She told me that she's back. I forgot to tell you that she's my f-friend," sabi niya.
"Ganun po ba, sige po," sabi ko na lang.
"Yes iha," sabi niya.
Pagkainom ko ng gatas binuksan ko 'yung tv. "Iha, are you okay?" tanong niya, at iyon ang huli kong narinig dahil nawalan na ako ng malay.
"Iha, nag-alala na ako kaya dinala na kita sa hospital," sabi ni Tita Claire. Siguro dahil dalawang beses na niya akong nakitang hinimatay.
"Salamat po Tita," sabi ko.
"Zayl iha, parang anak na ang turing ko sa iyo kaya.. kaya ganito ang nararamdaman ko," sabi niya ng may lungkot sa mga mata.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Zayl, ayoko ng magpaliguy-ligoy pa, y-you have brain cancer. Stage 4 na daw sabi ni Charie. You only have two months to live," sabi ni Tita Claire habang papaiyak na.
Ang tagal ko bago nakapagsalita. "Hindi totoo 'yan, hindi totoo 'yan," sabi ko. Brain Cancer? Pinaglalaruan niyo ba ako?
"Iha totoo, alam kong masakit tanggapin pero 'yun ang totoo," sabi niya.
"Hindi totoo 'yan. Hindi totoo 'yan! Kakukuha lang sa mga magulang ko tapos ako naman ang isusunod niyo? Ano'ng kasalanan namin?! Ano'ng kasalanan namin? Bakit nangyayari sa’kin 'to?" sabi ko.
Iyak ako ng iyak. Hindi ko matanggap ang nalaman ko. Nagluluksa pa ako sa mga magulang ko tapos may mabigat na namang mangyayari. Ang sakit-sakit.