CHAPTER TWO- AMERICA

1071 Words
Sana mapatawad mo pa ako Jack, masakit din para sa akin ang nangyari sa atin. Kailangan ko lang talagang gawin 'to para sa pamilya ko. Gusto kong mag-focus sa paggaling ni Itay. Ayokong habang magkalayo tayo eh nahihirapan tayo sa relasyon natin kaya mas pinili kong maghiwalay na lang tayo. Hindi ko pa rin mapigil 'yung luha ko sa pagpatak. Napapatingin na sa akin 'yung mga tao sa loob ng ospital. Nang makarating ako sa may pinto ng kuwarto ng Itay, tumigil muna ako ng ilang segundo para ayusin ang sarili ko atsaka huminga ng malalim bago pumasok ng kuwarto. Pagpasok ko ng kuwarto ay nakita kong tulog pa ang Itay at nakaupo naman ang Inay sa isang mahabang upuan. Tumabi ako sa Inay, nakiramdam muna ako ng ilang segundo bago nagsalita. "Nakipaghiwalay na po ako kay Jack," sabi ko kay Inay. Alam kasi niya na balak ko talagang makipaghiwalay na kay Jack. Alam naman niya kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Alam kong alam ng Inay kung gaano siya nirespeto ni Jack, sila ng Itay. Sumang-ayon lang siya sa plano kong 'yun kasi alam niyang ito ang makakabuti para sa amin. Ang tagal naming pinagdarasal ang paggaling ni Itay habang hirap na hirap kami kung paano at saan kukuha ng pambiling gamot. Kahit hindi namin alam kung paano mamumuhay sa ibang bansa, kailangan naming mag-adjust dahil ito ang matagal na naming pinagdarasal na inakala naming imposibleng mangyari. "Patawarin mo ako anak kung naapektuhan pati kayo ni Jack. Hindi natin alam kung kailan tayo babalik dito sa Pilipinas. Baka mahirapan lang kayo ni Jack na ipagpatuloy ang relasyon niyo dahil hindi natin alam kung ano'ng mga magiging pagsubok niyo habang magkalayo kayo kaya mas mabuti na nga rin siguro na maghiwalay na kayo," paliwanag niya. "Inay, hindi rin natin alam kung mahihintay pa ba niya ako. Ayoko ng umasa dahil kayo na rin ang nagsabi na hindi natin alam kung kailan tayo babalik dito. Tanggap ko na 'yung naging desisiyon ko. Para po sa Itay, para sa pamilya natin," sabi ko, at niyakap niya ako. Nang maayos ang lahat nang kailangan namin, lumipad na kami papuntang America sa tulong na rin ng mga tauhan ng amo ng Inay. Pagkarating namin sa America, tinawagan na namin agad 'yung kapatid ng amo ng Inay na doktor at nakipag-usap kung anu-ano ang mga dapat naming gawin. Ilang taon na ang lumipas buhat nang operahan ang Itay. Successful ang operation. Masaya kaming naninirahan ngayon sa America, marahil nasanay na kami dito. Napakabait ng mga amo ng Inay, hindi ko pa sila nakikita at wala pa akong alam kung hindi ang tungkol lang sa kabaitan nila sa'min, at wala daw silang anak. Gusto ko silang pasalamatan ng personal pero sabi ng Inay, saka na daw kapag bumalik na kami ng Pinas para magbakasyon. Kailan nga ba ako babalik ng Pilipinas? Akala ko kung ano nang magiging trabaho ng Inay dito, 'yun pala caretaker lang ng bahay na ipinahiram sa'min. Ang suwerte namin. Nakapagtapos ako ng pag-aaral dito sa tulong na rin ng mga amo niya at ngayon nagtatrabaho ako bilang receptionist sa isang hotel dito. Lahat ng gusto namin ay nabibili namin, may sarili na rin kaming kotse. Sabi naman ni Inay dinadagdagan daw ang suweldo niya dahil nag-aalala sa amin, at kapag magpapasko, malaki daw ang bonus na ibinibigay sa kanya ng amo niya. Siguro ang suwerte ng anak nila kung pinalad silang magkaroon. Ang sabi pa ng Inay, ayaw naman daw mag-ampon ng mga amo niya. Nakakapanghinayang para sa mga katulad nilang matulungin sa kapwa ang hindi biyayaan ng kahit isang anak. Palagi ko nga silang isinasama sa mga dasal ko para kahit man lang doon ay makabawi ako. "Congratulations Mrs. You are six weeks pregnant," sabi ng Doctor. Nandito kami ngayon sa isang clinic. Nagpa-check up ang Inay at nalaman naming buntis siya. Napakaganda talaga ng mga nangyayari sa amin. Laking pasasalamat talaga namin sa Panginoon para sa mga biyayang natatanggap namin. Hindi ko inaasahang magkakaroon pa ako ng kapatid sa edad niyang forty-one. "Magkakaroon na ako ng kapatid!" excited na sabi ko. Niyakap ko sila sa sobrang saya ko, pati ang Itay hindi mababayaran ang kasiyahang nadarama ngayon. "Dahil diyan, sa labas na tayo kakain. Sa pinakasikat na restaurant dito sa US," sabi ni Itay na may halong biro. Ilang taon na kami dito sa Amerika pero nananatiling nakatapak pa rin ang mga paa namin sa lupa. Malayo man ang hitsura ng tirahan namin sa Pilipinas sa tirahan namin dito eh pakiramdam namin ay nasa pinakamababang estado pa rin kami ng pamumuhay, siguro dahil hindi pa rin tumatatak sa isip namin na guminhawa na ang buhay namin sa tulong ng mga amo ni Inay. Ayaw lang namin sigurong lumaki ang mga ulo namin kahit ang dating isang kahig, isang tuka ay nakakakain na ng tatlong beses sa isang araw ngayon. "Wow, gusto ko 'yan. Tagal na nung huli tayong kumain sa labas na magkakasama," sabi ko habang nakatawa kami ng Inay. Sakay kami sa kotse, ang Itay ang nagmamaneho, papunta kami ngayon sa isang sikat na restaurant dito. Kahit matagal na kami dito, bihira kaming kumain sa labas dahil mas gusto namin ang luto ng Inay at isa pa, marunong kaming magtipid dahil ayaw na naming bumalik sa dati naming kalagayan. Hay, ang sweet ng mga magulang ko, nakakainggit. Sana ganyan din kami ng magiging asawa ko. Ang sarap mag-imagine. May mga nanliligaw naman sa'kin dito pero bakit parang hirap akong magsimula ng isang relasyon? Bakit parang may gusto muna akong tapusin? Bakit pakiramdam ko may kailangan pa akong ayusin? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang may gusto akong makitang muli. Kamusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Naiisip niya pa rin ba ako? Paano kaya siya nag-move on? Galit pa kaya siya sa akin? Gusto pa kaya niya akong makita? Mahal pa kaya niya ako? Hays. Tama na Zayl! Inisip ko kasi noon na siya na 'yung lalaking para sa akin, hindi pala. Ako naman ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay kaya wala akong dapat pang ipag-drama. Ilang taon na kami dito pero hindi man lang pumasok sa utak ko na hanapin siya kahit sa internet, pero para ano pa? Baka masaya na siya ngayon, ayaw ko na siyang guluhin pa. Sana nga hindi na kami magkita kasi hanggang ngayon hindi pa rin nawawala 'yung pagmamahal ko sa kanya na akala ko'y kasamang lilipas ng panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD