Bumalik na kami ni Angelie sa loob ng bahay at pinaasikaso na ang mga gamit niya sa Yaya niya. Ako na ang nagpaligo kay Angelie dahil gusto ko rin namang ako ang gumawa. Ang Yaya na niya ang pinagbihis ko kay Angelie para ako naman ang makaligo. "Yaya, pasabi na rin sa driver na ihanda ang sasakyan dahil magpapahatid tayo kina Mama," sabi ko. "Sige po mam," sabi ni Yaya. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Kinarga ko si Angelie habang ipinapasok nila ang gamit namin sa sasakyan. Nang makarating kami kina Mama ay tuwang-tuwang sinalubong nila kami para na rin kunin si Angelie. Tuwang-tuwa naman si Angelie na makita ang mga lola't lolo niya. "Mabuti at napadalaw kayo," sabi ni Mama habang karga si Angelie. "Gagabihin daw po ng uwi si Jack kaya nagpasya akong tumambay m

