Paano nga ba kami makakaalis sa bingit ng kamatayan? Bigla ko na lang naramdaman na nag-vibrate ang cellphone ko, mabuti at naka-silent. Matagal bago tumigil ang pag-vibrate nito kaya nakasisiguro akong may tumatawag sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napansin siguro ng tunay kong ina na hindi ako mapakali dahil napatitig siya sa akin. Maya-maya, tumigil na ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sino kaya 'yung tumatawag? Nakakainis! Hindi ko alam kung paano makuha ang cellphone ko! Gusto ko ng mawalan ng pag-asa. "Hi mother and daughter!" Napalingon kami sa nagsalita. Dumating na sina Cynthia at may mga bitbit. Napansin ko na naman ang pagpupumiglas ni Lucy Flores. "Tanggalin niyo na 'yung mga tape sa bibig ng mga 'yan. Gusto kong marinig muna ang sweet goodbyes nila," humahalakhak na ut

