Handa na akong makilala ang tunay kong ama pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Nandito kami sa mansyon kung saan ito nakatira. "Ahm, nandiyan ba si Mauricio?" tanong ni Mama sa security guard. "Sino po kayo?" tanong ng security guard. Hindi ito 'yung security guard na napagtanungan ko dati nung nagpunta ako dito para puntahan si Cynthia. "Ahm, k-kaibigan niya. Gusto lang namin siyang kamustahin?" sabi ni Mama. Parang nag-aalangan pang papasukin kami ng guwardiya. Gusto ko sanang sabihin na anak ako ng amo niya pero hinayaan ko na lang si Mama. Nae-excite lang siguro ako, kinakabahan at the same time. "K-kahit itanong mo ako sa kanya. Kilala niya ako. Lucy Florez kamo," pagpapakilala ni Mama. "Hindi rin naman ho siya makakasagot. Sige, pumasok na ho kayo," sabi nung guard. Ano

