"Sasamahan na kita please, Zayl," pilit sa akin ni Bianca. Pupunta ako ngayon sa mansyon. Kailangan kong makausap si Cynthia tungkol sa tunay kong ina. "Bianca, hindi na kailangan. Kaya ko na 'to tutal impormasyon lang tungkol kay Lucy Flores ang kailangan ko. Hindi ko naman ipapaalam na ako ang anak ng kasambahay nila dati," tukoy ko sa kinilala kong ina. Gusto ko lang talagang malaman kung saan ko makikita ang tunay kong magulang. "Nag-aalala lang naman ako Zayl," sabi ni Bianca. "I know Bianca pero hayaan mo na akong gawin 'tong mag-isa. Hindi mo na kailangang um-absent pa sa trabaho," sabi ko. Naiintindihan ko naman si Bianca. Gusto niya akong suportahan sa gagawin ko at higit sa lahat nag-aalala siya sa kalagayan ko. Pero ayoko ng abalahin pa siya. Madali lang naman 'yung gagaw

