ZAYL Hindi ako makapaniwala sa ikinuwento ni Aling Rosa. Akala ko napakabait ng mga amo nila. Namuhay ako na iniisip kung paano sila mapapasalamatan pero sa nalaman ko, hindi ko na maramdaman na may dapat pa akong ipagpasalamat sa kanila. Oo nga't tinulungan kami nung Mauricio pero kung hindi rin naman dahil sa kanila hindi sana mawawala ang mga magulang ko. "Matagal na akong walang balita sa mga naging amo namin. Simula nung umalis kami ni Linda ng mansyon," sabi ni Aling Rosa. "Ganun po ba," sabi ko. "Sandali lang at kukuhanin ko lang 'yung ibibigay ko sa'yo," sabi ni Aling Rosa. Nandito kami sa bahay nina Aling Rosa. Walang tao kundi kaming dalawa lang. Ilang minuto bago siya bumalik sa Sala at naupo ulit. "Sumulat sa akin si Linda, siguro mga ilang buwan bago siya nawala kung

