ALING ROSA "Linda, bakit hindi ka pa umalis dito at maghanap ng ibang trabaho?" tanong ko kay Linda ng may pag-aalala. "Aling Rosa, hindi ho ganun kadali ang maghanap ng ibang trabaho, alam niyo 'yun. Lalo pa at napakalaki ng suweldo natin dito," sabi niya. Alam kong mahusay magpa-suweldo ang mga amo namin dahil wala namang maipipintas sa pagtatrabaho namin. Mahusay kaming magtrabaho kaya natutuwa si Sir Mauricio, lalo na kay Linda. "Alam ko pero hindi mo ba naiisip ang unti-unting paglapit-lapit sa'yo ni Sir Mauricio?" May gusto yata ang amo namin kay Linda. Sinasabi rin sa akin ni Linda ang mga pagtingin-tingin ni Sir Mauricio sa kanya. Pero ngayon, sinabi sa akin ni Linda ang biglang paghawak sa balikat niya ni Sir Mauricio. "Alam ko ho 'yun. Binabalewala ko na lang. Umiiwas naman

