"Zayl?! Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ng Inay ni Bianca. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Pamilya na ang turing namin sa isa't isa kaya dapat lang na lumapit ako sa kanila sa sandaling kailangan ko sila. Ang ina ni Bianca ang nagbukas ng pinto. Mukhang siya lang ang tao. Si Bianca, alam kong nasa trabaho pa. Nasa school siguro si Bunso, at si Tito baka nasa trabaho din. "T-tita.." yumakap ako sa kanya at muling umiyak. "Halika sa loob, maupo ka, ikukuha lang kitang tubig," sabi niya at naupo ako at hinintay siya. "Ano'ng nangyari sa'yo?" may pag-aalalang tanong niya habang nakaupo kami sa Sala. "Tita, gusto ko na pong sabihin sa inyo ang totoo," sabi ko. "Ano'ng totoo?" tanong niya. "Tita... May sakit po ako.. Bago po ako bumalik ng Pilipinas may taning na

