Ang dami pa ring ulam kaya umabot ito hanggang hapunan. Ayoko kasing naglalagay sa ref ng tira ng tanghali tapos magluluto ng bago sa hapunan. Gusto ko inuubos na lang ng isang araw, kung kulang saka magluto ng pandagdag. Nasa kuwarto na kami ni Jack. Nakahiga ako habang nanonood ng TV at nakaupo naman si Jack habang nakasandal sa headrest ng kama habang nagla-laptop. Nakatapos na ako ng isang romcom na movie pero nakatutok pa rin sa laptop niya si Jack. "Babe, alas nuwebe na, dalawang oras ka na diyan," sabi ko kasi naiinip na ako, gusto ko na siyang yakapin habang natutulog. "Patapos na, babe," sabi niya. Pumili ulit ako ng movie at ang pinili ko ay erotic baka sakaling titigil na siya sa ginagawa niya, wala na akong pakialam kung gaano kahalaga sa kanya nung ginagawa niya, Sabado n

