"Babe, tanghali na... hindi ka ba papasok?" tanong ko habang ginigising si Jack. Madaling araw na kami nakatulog at alas diyes na ng umaga ngayon. "Hmm, it's Saturday, ayaw mo bang nandito ako?" tanong niya nung magmulat ng mga mata habang magkayakap pa rin kaming nakahiga sa kama. "Hindi ako sanay kasi nitong mga nakaraang Sabado pumapasok ka naman," sabi ko. "Medyo nababawasan na ang trabaho ko," sabi niya. "Well, good for US," sabi ko na lang. "Yeah, and babe, next week nga pala ang flight natin papuntang France," sabi niya. "Okay. Babe, oo nga pala kina Mama na natin iwan si Angelie with her Yaya, nakiusap si Mama sa akin," paalam ko. "Okay, next time we'll travel with our child," sabi niya. Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Napatingin kami sa tumatawag, si Mommy,

