ZAYL Papunta nga kami ngayon sa Bulacan. Madalas talaga akong makatulog sa biyahe ngayon. Ang natatandaan ko, nasa pag-iisip ako tungkol sa mga nangyari kagabi sa amin ni Jack. Nagawa ko ba talaga 'yun? Naalala ko kasi 'yung mga naging kaibigan ko sa America eh nag-uusap minsan about sa mga ganun kung paano sila magtalik ng mga kasintahan nila, syempre nakikinig lang ako at hindi ako nagre-react kasi wala pa naman akong karanasan noon. So ginawa ko kagabi kay Jack 'yung ibang narinig ko. Nakakahiya, sana tama ang ginawa ko. Hindi ko namalayang nandito na kami sa bahay ng mga magulang niya. Pa-dalawang beses pa lang akong nakakarating dito. Iyong una eh pinilit ako ni Jack noong mga teenager pa kami na sumama sa kanila at ipinakilala sa Mommy niya at nagkataon namang wala ang Daddy niya.

