Mabuti naman at pinapasok pa rin niya ako nung mga oras na iyon, akala ko kasi hindi na niya ako aaluking maupo. Gusto ko lang naman siyang makita pagkatapos ng nangyari sa amin nung gabi na 'yun. Akala niya nagpunta ako para bayaran na siya. May ibinigay akong tseke pero hindi pa iyon ang kalahatan. Gusto ko munang bayaran niya ang utang nila. Hindi ko pa siya binayaran ng buo. Pero 'yung buo na 'yun, walang katapusan dahil hindi mababayaran ang makasama siya. Ganun ako magmahal. Kahit ibigay ko ang lahat ng pera ko, hindi pa rin sapat 'yun. Ganun siya kahalaga sa'kin. Nung una nag-aalangan pa siyang tanggapin kasi ang laki daw pero hindi ba nabanggit ng kaibigan niya na iyon ang sinabi sa'kin utang ng pamilya niya? Nung sinabi ko na saka ko na ibibigay ang iba ay tumanggi na siya, ta

