JACK Nung malaman kong dahil sa utang ng pamilya ni Zayl kung bakit niya ginagawa sa sarili niya 'yun, hindi ako makapaniwala. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa mga magulang niya. Nung sinabi ni Bianca na hindi tatanggapin ni Zayl ang kahit anong tulong ko, galit ang naramdaman ko. Mas gugustuhin pa niyang tumanggap ng tulong sa iba kapalit ang.. ang p********e niya? Sh*t! Hindi ako makakapayag. Ang laki ng respeto ko sa kanya tapos siya mismo ang mag-aalis ng respeto sa sarili niya. F*ck! Maliit lang na halaga sa akin kung tutuusin ang utang na 'yun. Napakataas ng pride niya. Hindi ako makapapayag na ipahamak niya ang sarili niya. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano niya tatanggapin ang tulong ko kaya sinabi ko kay Bianca na ako na ang bahala. Kinuha ko 'yung address ni Zayl

