"Babe.... wake up," sabi ko. Ginigising ko si Jack baka kasi akala niya nasa condo unit niya siya. "Babe, tanghali na," sabi ko ulit at pinisil ko ang ilong niya pero hindi naman masyadong madiin. "Hmmm... I know," sabi niya nang nakapikit pa rin. "Wala ka bang pupuntahan ngayon?" tanong ko baka kasi mamaya nakalimot lang siya. "Babe, pinapaalis mo na ba ako?" tanong niya nung magmulat ng mga mata. "No. Akala ko lang kas–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinunggaban na niya ako ng halik sa labi. Smack lang. "Good morning," sabi niya habang nakangiti pagkatapos niya akong halikan. "Dito muna ako hanggang mamaya ha?" sabi pa niya. "No," sabi ko. "Yes," sabi niya. "Babe, hindi puwede, baka dumating si Bianca." "Tell her that I'm still here, and we're busy," sabi niya haban

