Kumain akong mag-isa sa Sala ng tanghalian ko habang binabantayan si Angelie na nakatutok sa TV. Ano kayang malutong merienda mamaya? Tiyak na sa hapon ang uwi ni Jack. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako saglit, nakatambay sa Sala. Makalipas ang ilang oras ay napagdesisyunan ko ng maghanap ng maluluto. Gagawa na lang ako ng carbonara at homemade pizza. Nagpatulong ako sa kasambahay hanggang sa makatapos ako. Pinaubaya ko na sa kasambahay ang niluto ko atsaka ako nagdiretso sa kuwarto para maligo pagkatapos magpahinga ng ilang minuto. Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Napangiti ako kasi alam kong si Jack. "Right timing, Mr. Santaniel," sabi ko habang nararamdaman ang erection niya sa bandang likuran ko. Wala siyang saplot kahit a

