"Why not?" tanong ko. Ako na lang ang magtatanong kung bakit. Sinabi ko lang naman sa kanya to inform him. Wala namang masama sa gusto ko, may yaya naman ang anak namin, uuwi pa rin naman ako sa bahay. Ilang oras lang naman akong mawawala sa bahay. "Hndi pa nga natin napapag-usapan 'yung desisyon mong huwag munang sundan si Angelie tapos eto at may pinaplano ka na naman," sabi niya. "Ano'ng problema dun sa plano ko?" tanong ko. I want to hear from him kung bakit ayaw niya ng plano ko. "Ano'ng iniisip mo para mabuo ang plano na 'yan?" tanong niya at talagang binalik sa akin ang tanong. Nag-iisip pa ako ng isasagot pero tumayo na siya pero sinundan ko agad. "I want to explore new things," sabi ko habang sumusunod sa paglalakad niya hanggang sa paakyat na ng hagdan. "Nakapag-aral ka na.

