Sa isang mamahaling restaurant kami nagpunta. Nagpa-reserved na si Jack bago pa kami dumating and here we are now. Hawak ako ni Jack sa beywang habang naglalakad papasok ng restaurant atsaka igniya paupo sa naka-reserved na seats for the two of us. Agad na kinuha ni Jack ang maliit na puting tela na nakapatong sa mesa para ilagay sa hita ko nung makaupo ako at napangiti naman ako. Umorder kami ng steak at red wine. Ilang segundo na kaming nagtititigan habang nakangiti sa isa't isa pagkatapos namin umorder. "How about we go to Paris, France?" suhestiyon niya at naalala ko ang plano niyang bakasyon namin. "Yeah, I've never been to Europe before," sabi ko. Actually, I love Paris at isa ito sa mga paborito kong destinasyon. "Okay, I'll ask my secretary to book for us," sabi niya. "Are yo

