BIANCA Hindi ko maintindihan nung una kung ano ba talagang meron sa amin ni Zandro. Minsan, mararamdaman kong gusto niya ako, minsan naman pakiramdam kong magkaibigan lang talaga kami. Madalas naman kaming magkita pero hanggang ngayon may awkwardness pa. Nag-aya ngang lumabas, sa umpisa okay na okay pero kapag awkward na, natotorpe na kaya nag-aya na lang akong tumambay kina Zayl at Jack. Itong si Jack naitanong naman agad kung nanliligaw sa akin si Zandro kaya nagulat ako kasi awkward na naman pero sinagot naman ni Zandro, in fairness, salamat kay Jack. Pagkatapos kong marinig iyon sa kanya ay panay na ang titigan namin lalo na kapag kumakanta ako. "Puwede ka bang ligawan?" tanong niya habang nasa biyahe kami. Kagagaling lang namin kina Zayl at ihahatid na niya ako pauwi. "Nakainom

