ZAYL Birthday ni Papa ngayon kaya idinaan muna kami ni Jack sa mansiyon bago siya pumasok ng trabaho. Nangako naman siyang maagang uuwi para makapag-stay din siya ng matagal sa mansiyon to celebrate Papa's birthday. "Happy birthday Lolo," bati ko habang hawak si Angelie at nagbeso kay Papa. "Happy birthday Pa," sabi naman ni Jack na sinamahan muna kami sa loob ng bahay para na rin makabati siya kay Papa. "Salamat," sabi ni Papa. "Oh, Jack may trabaho ka nga pala, ano'ng oras ka pa babalik dito?" tanong ni Papa. "Aagahan ko po ang uwi mamaya," sabi niya. "Ah, okay mabuti naman at wala naman akong bisita kung hindi tayu-tayo lang," sabi ni Papa. "Oh anak, magba-bye na kay daddy," sabi ko kay Angelie kasi kailangan na ngang umalis ni Jack. "Bye, baby," sabi ni Jack sabay halik kay A

