CHAPTER THIRTY ONE- The Savior

2457 Words

"Babe, sorry na oh," pakiusap niya sa akin pero hindi pa rin ako kumikilos. Dumadampi na 'yung hininga niya sa teynga ko. Amoy alak siya! Naiirita ako. Nararamdaman ko pa 'yung bigat ng katawan niya. "Hmmmmp," ungol ko at pilit na lumalayo ako sa kanya. "Babe, alam kong gising ka na. Humarap ka naman sa akin please," sabi niya na may paglalambing pa rin pero nagmamatigas pa rin ako. "I told you na mag-eexplain ako 'di ba? So, please give me a chance," sabi pa niya. Nakokonsensiya naman ako. Hindi matatapos 'to kung hindi ko siya pakikinggan kaya nagsalita na ako. "Kung hindi pa nagkabukingan hindi ko malalaman," sabi ko pero hindi ako lumilingon sa kanya. Kung hindi pa biglang sumulpot ang Tricia na 'yun, hindi ko malalamang secretary niya pala! Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD