MAURICIO Hindi ko na alam kung mahal ko pa ang asawa ko dahil sa inis sa hindi niya pag-unawa sa'kin. Nagsasawa na ako. Palagi na lang kaming nag-aaway. Isa lang naman ang gusto ko eh, ang mabigyan niya ako ng anak pero hindi kami pagkalooban. Naiintindihan ko naman siya kaya sabi ko mag-ampon na lang kami pero ayaw naman niya. Minsan nga ayaw ko ng umuwi dahil mag-aaway lang kami. Nagiging tamang duda na nga siya. Minsan nga naiisip ko, ano kaya kung gawin ko na lang 'yung mga ibinibintang niya sa akin? Ayoko na ng ganito! Pakiramdam ko nasasakal na ako! Galing ako sa isang kaibigan at nakipag-inuman. Hindi ako lasing pero tamang nakainom lang. Bukas ang bintana ng kotse ko habang umaandar. Gusto ko kasi ng hangin mula sa labas. Nagmamaneho ako nang bigla akong mapatingin sa nagtatalo

