LUCY Bakit ko siya hinayaan? Oo nga at mabait si Mauricio at matulungin pero hindi tama ang ginawa namin. Diyos ko, may asawa siya! Iyak ako ng iyak. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng banyo. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na ang mga damit niya. Nakaalis na siya. Lumabas na rin ako ng unit niya pagkaayos ng mga gamit ko. Paalam, Mauricio. "Lucy, namumutla ka," sabi ni Aling Ising. Isang buwan na mula nung may mangyari sa amin ni Mauricio. Umalis na ako sa restaurant niya dahil sa nangyari. Hindi na ako nagpaalam kahit kanino sa kanila. Hiyang-hiya kasi ako sa sarili ko. Nagsimula na lang ako ng simpleng pamumuhay. Doon pa rin ako nakatira sa dati naming tinitirhan. Tumutulong ako kay Aling Ising sa pagbebenta ng isda sa palengke. Nagpapasalamat nga ako at tinan

