1: Incubus?
Ano nga ba ang hatid ng pakikipagtalik sa iyong panaginip? Magandang araw sa mga kapwa ko mambabasa sa page na ito. Gusto kong ibahagi ang sarili kong kwentong hindi pangkaraniwan. Hindi man ito katakot-takot gaya ng kwentong multo at aswang, masasabi ko pa ring kapantay nito ang kilabot sa tuwinang naalala ko.
Incubus. Minsan ba nararanasan niyo rin na magising ng madaling araw, pinagpapawisan, at mabilis ang pintig ng puso dahil lang sa isang panaginip? Hindi normal na panaginip para sa akin dahil ang mga senaryo dito ay ang aking sarili na nakikipagtalik sa iba't-ibang lalaki. May isang beses na maaga akong nakatulog dahil sa pagod pag-uwi ng eskwela kung kaya't pagkahiga ko sa aking kama ay nahimbing agad ako. Sa panaginip ko, may isang lalaki na pumasok sa banyo habang ako ay nagsisipilyo, nakasuot ng uniporme. Lumingon ako sa kanya at ngumiti, siya'y pumasok bago isara ang pintuan at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baywang pagtapos ay doon na nagsimula ang aming p********k. Kitang-kita ko ang aking sarili sa harap ng salamin, ngunit ang lalaking katalik ko ay walang maayos na imahe sa aking paningin. Nagising akong narinig ang aking sarili na mahinang umuungol at saglit kong naramdaman na may kung ano ngang pumasok sa aking p********e. Kinabahan ako ng araw na iyon sapagkat alam ko, at mulat ako sa mga ganoong di maipaliwanag pangyayari. Ang sumunod na senaryo nama'y noong minsan akong nakaidlip sa kalagitnaan ng tirik pa ang araw. Nagpunta ako sa isang malaking bahay, animo'y pagmamay-ari ng isang kakilala. Pumasok ako sa loob at sinalubong maman ako ng isang lalaking kaedad ko lamang. Dumiretso kami sa isang kwartong napapalibutan ng salamin sa bawat sulok at puno ng tubig, parang binabaha ngunit napakalinaw ng agos nito mula sa kung saan. Nahiga ako sa gitna ng tubig at pumikit. Pagdilat ko ay nasa aking ibabaw na ang lalaking hindi ko mahinuha ang mukha sapagkat malabo ito, ngunit alam ko na siya ay nakangiti. Naramdaman ko na lamang na ako ay hubo't hubad na at may nangyayari na sa amin. Pag-uwi ng aming tahanan, umiyak ako nang umiyak habang nagtutupi ng mga damit. Ilan lamang yan sa aking mga napapanaginipan, ngunit ang detalyeng napapansin ko tuwing ito'y nangyayari, ang lalaking gumagawa nito sa akin, kahit paiba-iba man ang mukha at wangis, lahat sila at nakasuot ng kulay puting damit.
Alam kong ako'y napaglalaruan ng kung ano man sa aking pagtulog, at hindi ko alam kung paano ito maiwasan. Ilang gabi na akong walang tulog sapagkat natatakot ako sa maaaring mangyari, kahit pa alam ko namang wala lang ito. Ngunit minsan ba, naisip niyo rin kung ano ang maaaring kahantungan kung ito'y paulit-ulit na mangyari sa inyo? Sapagkat kapag ang isang tao'y nakipag-siping sa kapwa niya, magbubunga ito. Paano kung gaya ng incubus, ay magbigay ito ng bagong buhay? Ano ba talaga ang eksplanasyon kung bakit tayo ay nakakahalina ng ibang nilalang?