Magandang gabi. Ito po ang experience ko bilang isang bagong sundalo na naka assign sa Marawi.
Ps: Hindi expert mag sulat kaya baril hawak
Ang campo namin ay nasa taas ng bundok bale may nga campo naman sa baba pero medjo malayo na, radyo radyo lang.
Fastforward:
Lagi akong pang umaga sa duty tapos lagi sa entrance ako ng gate naka assign, na bo-bored ako lagi kase wala masyadong pumapasok pwera nalang kung may bisita or bababa ng bundok para bumili ng mga kakailanganin ng campo kaya napag isipan ko mag iba ng oras at stasyon (12am-2am) (sa likod ng campo) bale yung kasama ko ay ngayon lang kame nagkasama kase lagi siyang pag midnight siya si kervin. first day at second day wala masyadong ganap pero napansin ko sa kanya madalas niyang suot-suot yung night vission googles niya. Third day ganon parin madalas niya parin suot yung NVG hindi na ako naka tiis tinanong kona sa kanya.
"buddy bakit suot suot mo lagi yang NVG?"
"Hahaha bakit pala? Syempre nag babantay tayo"
"Oo pero grabe namn yan kung may kalaban diyan raradyohan tayo ng ***IB"
"Hahahaha"
"Yung totoo buddy may chix ba diyan?"
"Hahaha relax kalang"
After ng mga 40mins
Kervin: Buddy yung NVG e suot mo!
Na shock ako guys parang may nakitang kalaban si kervin agad-agad kong kinasa yung baril ko at sinuot yung NVG.
" 3 O'CLOCK" pagka lingon ko ng konti hayop nag loading ako bigla hindi alam ang gagawin sa harap namin nasa 70 meters may mga taong may dalang itak ang papalapit samin sa tancha ko nasa 20-30 sila bigla akong kinalabit ni kervin buddy ayos kalang bumalik bigla ayos ng utak ko, tinangal ko NVG ko
"buddy kalaban raradyohan kona kasamahan natin"
"WAG! tignan molang sila, wag kang kabahan"
"Huh? Ano?"
"tignan molang, suot mo ulit NVG mo"
Pagka suot ko hayop! isa isa silang nawawala, kita ng dalawa kong mata nawala sila na parang bula, hindi ako maka paniwala sa nakita ko, lagi akong parang natutulala iniisip kung aning nakita ko. Tinapos kolang yung 1 week na 12am-2am na duty tapos bumalik ako ng pang umaga. Si kervin? Siya mag isa nag babantay pero nasa tabi lang ako para iwas push up.