Bagong graduate pa lamang ako sa schooling at katatapos pa lamang ng aming test mission nang muli ay sinubukan ang kakayahan namin sa pakikidigma. Naatasan kami mag sagawa ng opensiba laban sa mga moro rebels sa Central Mindanao.
Nakakainis dahil para lang kaming pinaglalaruhan ng kalaban. Pinapahabol lang kami at parang nagtataguan lang kami sa gubat. Sa ilang oras na pag track namin sa kalaban ay na dikitan din namin sila. Ilang saglit pa nga at nagka putukan na. Hindi bababa sa sampu ang bilang ng mga kalaban ayon sa tantya namin. Kalahating oras din siguro ang lumipas ng mapansin naming dahan dahang umaatras ang kalaban at nag attempt sila tumakas, pero hinabol pa din namin sila, ilang oras na habulan ang nangyari. Hanggang sa mas nagiging visible ang mga traces ng kalaban at may mga hudyat na malapit na kami sa mga hinahabol namin.
Mga 0900 nang may makita kaming mga kubo sa di kalayuan, tatlong kubo na hindi gaano malayo ang distansya sa bawat isa, para bang isang compound. Sa pagkaka alala ko, nasa 100-150 meters ang distansya namin mula sa mga kubo. Kita namin sila sa mga scopes namin, kumpirmado, mga armado sila, mas madami kesa sa kaninang naka encuentro namin. Siguro aabot sila ng 30-40 katao. Dalawang team lang kami, bale 14 lang kami lahat kasama na ako, wala pang kalahati kumpara sa bilang ng kalaban. Ang team ko ang naatasang mag lead, at sa likod naman namin ang isang team. Ginapang namin ng walang kahit na anong ingay at mas nilapitan pa ng hindi kami napapansin man lang.
Ilang hakbang pa at naririnig na namin ang usapan nila, maingay sila at mukhang may nangyayaring kasiyahan, may mga nag iinuman ng tuba at nagsasayawan pa. Doon na ako nag taka. Naka barilan pa lang namin sila kanina, tapos ngayon nagkakasiyahan sila na parang walang nangyari? Ang natural kasing dapat ginagawa nila ay nagpapahinga, nag kakarga ng mga bala sa mga armas, o di kaya naman ay ginagamot ang mga kasamahang tinamaan. Iba kutob ko sa mga ito.
Maya maya pa ay narinig namin ang mga malalakas nilang boses na nag kakantahan, isang nakapagtatakang kaganapan nanaman. Moro rebels ang kalaban namin, pero ang mga kinakanta nila ay tagalog at bisaya na awitin. Dinig ko pa ang kanta ng bandang Asin.
Patuloy lang namin inobserbahan ang mga ito hanggang maya maya lamang ay may lumabas sa kubo, medyo may kaliitan lang siya at mukhang nasa early 50’s ang edad, naka suot ng kamisetang puti na may kung anong naka sulat, may mga naka sabit ding kung ano anong kuwintas sa leeg niya. Base sa galaw at pakitungo sa kanya ng mga kasamahan nya ay nag conclude ako na mataas ang katungkulan niya sa grupo.
Sa kabilang dako naman ng kubo ay may nakita din kaming limang tao na naka upo sa lupa, sa pagkaka tanda ko ay naka tali ang kamay ng mga iyon patalikod. Nilapitan sila ng leader ng grupo. Hinila ang bihag sa may maliit na puno.
Aktong puputok na ako pero pinigilan ako ng team leader namin. Hindi daw kami pwede mag engage sa kalaban dahil hinihintay pa ang isang team na makapag maneuver dahil nasa hulihan namin sila at kailangan nila pumwesto sa bandang kaliwa namin at maka pwesto sa magandang position na may sapat na cover. Nag focus nalang ako sa aking scope, pinagmasdan ang mga sumunod na ginawa ng hinihinala naming leader ng grupo.
Noong nasa may maliit na nga na puno ang bihag, ginapos niya ito hanggang sa may paa. Kumuha ng kutsilyo at dahan dahang binalatan ang talampakan ng nakagapos na bihag. May ibang armadong lalaki din na lumapit at animoy tuwang tuwang pinapanood ang ginagawa ng kanilang leader. Matapos mabalatan ang talampakan ay pinatayo nila ito sa bilaong puno ng asin habang nananatiling nakatali pa din sa puno. Hanggang sa mawalan ng malay ang bihag dahil siguro sa naubos na ang lakas nito sa kaka sigaw sa sakit at hapdi.
Ilang saglit lang ay ang isang bihag naman ang kinuha, ipinatong padapa sa lamesang pinagiinuman nila ng tuba, kumuha ng itak ang leader at pinagtataga ang batok ng bihag, hanggang sa tuluyan ng maghiwalay ang ulo nito, itinapon sa lupa ang katawan, tanging ulo ang naiwan. Muling tinaga ang ulo sa bandang noo na tila niyog na hinahati, kitang kita ko sa aking scope ang utak ng bihag, kitang kita ko din kung paano dumukot ng piraso ng utak ang kanilang leader, pinasok sa bibig at sarap na sarap na nginuya pagkatapos dahan dahang nilunok. Tumikim din ang iba, ang isa pa nga ay dinukot ang mata ng pugot na ulo at yun ang nilantakan. Ibinaling ko sa ibang dako ang paningin ko dahil hinahanap ko ang leader nila na biglang nawala sa paningin ko, tiyak puputukan ko ito may utos man o wala, bahala na mapagalitan. Hindi ko ito mahagilap kaya inalis ko muna ang mukha ko sa scope, yumulo at huminga ng malalim at muli din naman nag obserba. pag tutok na pag tutok ko sa bandang pinto ng kubo ay nakita ko na ang leader. Nakatitig ito sa mismong mga mata ko, alamg kong saakin siya naka tingin, naka ngisi pa siya na parang nang iinsulto, may parte pa ng utak sa pisngi nito. Hindi ako naka galaw, imposibleng makita kami, malapit kami sa kanila pero naka camouflage kami sa paligid at alam kong hindi kami makikita sa posisyong iyon. Nanigas ako sa takot, para akong nai sleep paralysis habang nakatitig sa kanya.
Dahan dahan niyang tinutok sa kinaroroonan ko ang baril niya at nagpaputok, naunahan kami, pero natamaan siya, kitang kita ko kung pano siya natumba sa dalawang tama sa katawan niya, kitang kita ko din kung paano ito muling tumayo at muling nakipag palitan ng putok. Makalipas ang 30 minutes, inassault na namin ang kinaroroonan nila, kita namin kung paano sila mag sipag atrasan. 50 meters nalang ang layo namin, kita namin na may mga naiwang sugatan, pero mas pinili nila putukan ang sarili nilang ulo kesa mahuli ng buhay. Nalapitan na nga namin ng tuluyan, na search ang mga kubo at na clear ang area. 16 ang recovered namin na bangkay at firearms. Apat sa mga ito ay bangkay ng mga bihag, dalawa ang may tama ng bala, ang isa ay ang pinugutan at ang isa ay naka gapos sa puno bukas ang dibdib at wala na ang puso. Sa di kalayuan nakita namin ang isa pang bihag, buhay pa ito pero malubha din pala ang tama. Nalaman namin na ang limang bihag ay mga rebeldeng moro na una naming naka harap, ang bumihag sa kanila? Isang Christian paramilitary group na pumapatay sa mga rebeldeng muslim sa mindanao. Kilala sila sa brutal na pagpatay sa mga muslim, gumagamit din sila ng mga anting anting na napatunayan dahil na din sa mga nakuha naming kagamitan sa mga kubo.
Nabuhay ang nag iisang muslim rebel na nakaligtas, napag alaman kong matapos ang mga pangyayaring iyon ay nag balik loob siya sa gobyerno at nakapasok bilang isang cafgu. Itago natin siya sa pangalang Ibrahim, ang tanging naka ligtas sa christian extremists paramilitary na ninong din ng panganay ko.
“Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao
Kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo
Sa relihiyon at prinsipyo nagkagulo”
(Ang bayan kong sinilangan by Asin)