HINDI mapakali si Zev at hindi pa rin siya umaalis sa labas ng bahay nila Xena. Nasa loob lang siya ng sasakyan at nakayukyok lang siya sa manibela ng sasakyan niya. Umaasa na lang siya na sana bumalik agad ang alaala ni Xena. Para din kasi siyang mababaliw sa isipin na matagal itong wala sa tabi niya. Napabuntong-hininga na lang siya bago niya buksan ang makina ng sasakyan niya para umalis. At paalis na sana siya nang mapansin niyang bumukas ang pinto ng bahay nila Xena. Hindi agad naging maganda ang kutob niya kaya nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan pero bago pa siya makalapit at mabilis nang nakasakay ang mga ito saka mabilis na umalis. Hindi siya nagdalawang isip na bumalik sa sasakyan niya at sundan ang sasakyan nila Xena. Dahil anong oras na rin ay maluwag na ang kalsada, mas l

