HINDI alam ni Xena kung ilang minuto pa silang nakatayo ni Zev sa labas ng gate nila. Parang kahit siya hindi niya kayang mawala sa paningin niya ang binata, even her heart, parang sinasabi na ayaw niyang malayo ito sa kaniya. “Pumasok ka na,” basag ni Zev sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Mauna ka na umalis,” tutol naman niya. “I’m not living until I’m sure you are safely home.” “Ano ka ba, ito na nga bahay ko, ikaw malayo pa ang babalikan mo, kaya mauna ka nang umalis.” “Pumasok ka na kasi.” Pilit na nito sa kaniya, inilagay sa kamay niya ang maleta pagtapos ay binuksan na nito ang gate ng bahay saka siya inalalayang makapasok sa loob at saka ulit hinila ang gate pasara. “Sige na pumasok ka na, tatagal lang tayo rito kung magmamatigas ka pa.” Kaya wala na rin siyang nagawa,

